Gretchen sosyal pero biglang lumabas ang pagkapalengkera sa burol ng ama | Bandera

Gretchen sosyal pero biglang lumabas ang pagkapalengkera sa burol ng ama

Cristy Fermin |October 19,2019
facebook
share this

Gretchen sosyal pero biglang lumabas ang pagkapalengkera sa burol ng ama

Cristy Fermin - October 19, 2019 - 12:45 AM

GRETCHEN BARRETTO AT PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Sa pinakahuling sandali ay humabol si Gretchen Barretto para makapagbigay-pugay sa kanyang pumanaw na ama. Nakasabay niyang dumating sa burol si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilabutan ang mga kababayan nating nakakita sa pagyayakapan nila ni Mommy Inday, ang ina ng aktres na mahigit na dalawang dekada na niyang hindi nakikita, puring-puri si Gretchen ng ating mga kababayan sa kanyang pagpapakumbaba.

Pero nakakagulat ang mga sumunod na pangyayari, akma silang pagbabatiin ni Marjorie ni PRRD, pero tumanggi ang nakababata niyang kapatid.

Kuwento ng aming source, “Ayaw ni Marjorie, kaya ang sabi ni Gretchen kay PRRD, ‘Okey lang, sir, ako naman ang mas nakatatanda, ako na lang ang iintindi sa kanya.’

“Napailing na lang si President Duterte, sabi siguro niya sa loob-loob niya, ‘Pesteng pamilya ito! Magulo!

Kinakaya kong resolbahan ang mga problema ng buong bayan, pero dito pa pala ako mabibigo!’

“Maya-maya, habang nag-uusap si Greta at ang mga kasama ni PRRD, biglang lumapit ang isang girl, parang sisipain si Gretchen!

“Naawat naman ang babae, pero nu’ng makatiyempo si Gretchen, e, hinila niya ang mahabang hair nu’ng babae, si Nicole pala ‘yun, anak ng kapatid niyang si Jay-Jay!

“Sinabunutan talaga ni Gretchen ang pamangkin niya, maraming sumisigaw, pero ang nakapagpakalma talaga kay Gretchen, e, si Mr. Atong Ang.

“Yes, si Atong ang kasama ni Gretchen sa wake, hindi si Mr. Tony Boy Cojuangco. Nakakaloka ang eksena, nasa lamay sila, pero wala silang pakialam!” kuwento ng source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sopistikada si Gretchen Barretto, kaya niyang magpakasosyal sa lahat ng panahon, pero kapag binabastos na siya ay lumalabas ang kanyang pagiging palengkera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending