Wacky, Bayani hinamon sina Piolo at Inigo sa I Can See Your Voice | Bandera

Wacky, Bayani hinamon sina Piolo at Inigo sa I Can See Your Voice

Bandera |October 19,2019
facebook
share this

Wacky, Bayani hinamon sina Piolo at Inigo sa I Can See Your Voice

Bandera - October 19, 2019 - 12:30 AM

IÑIGO PASCUAL AT PIOLO PASCUAL

Muling masusubok ang galing ni Piolo Pascual sa panghuhula at pagkilatis ng tunay na singer sa kanyang pagbabalik sa entablado ng I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.

Ngayong gabi, babalik si Piolo sa ICSYV kasama pa ang kanyang anak na si Iñigo Pascual para sa isa na namang nakakaaliw at nakaka-tense na episode kasama ang walang kakupas-kupas na mga Sing-vestigators.

Makatulong kaya sa mag-ama ang mga bagong punchlines at paandar ng mga Sing-vestigators na sina Angeline Quinto, Andrew E, Bayani Agbayani, Wacky Kiray at Alex Gonzaga?

Abangan ang dance showdown nina Wacky Kiray at Inigo pati na ang acting challenge kay Bayani kasama si Papa P. Pero ang hindi n’yo kakayanin ay ang nakaka-shock na ginawa Wacky sa harap mismo ni Piolo!

Magtagumpay kaya sina Papa P at Inigo sa panghuhula kung sinu-sino ang mga seen-tunado at mga certified see-nger sa bagong batch ng contestants tonight?

Kaya huwag na huwag kayong aabsent sa isa na namang pampa-good vibes episode ng I Can See Your Voice ni Luis Manzano sa ABS-CBN pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending