Duterte saksi sa pakikipagbati ni Gretchen kay Mommy Inday | Bandera

Duterte saksi sa pakikipagbati ni Gretchen kay Mommy Inday

Ervin Santiago - October 17, 2019 - 06:10 PM

Ang eksena nang magkita sina Pangulong Duterte at Gretchen Barretto sa burol ng kanyang ama

MAKALIPAS ang mahigit anim na taon, muling nagkita at nagyakap ang mag-inang Gretchen Barretto at Inday Barretto.

Naganap ang madamdaming pagtatagpo ng mag-ina sa burol ng tatay nina Gretchen, Claudine at Marjorie na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City. Pumanaw ang kanilang ama nitong Lunes, Oct. 14.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Claudine ang video ng pagdalaw ng kanyang ate sa burol ng kanilang ama. Makikita sa video na sabay napatayo si Mommy Inday at si Pangulong Rodrigo Duterte nang makita si Gretchen.

“And then, we are complete. [Gretchen], I’m so proud of u. I admire & luv u more today. #DoubleInfinity #ThatsmyAte. WELCOME HOME,” caption ni Claudine sa video.

Unang lumapit ang aktres sa Pangulo at nakipag-kamay at saka nilapitan ang kanyang ina sabay yakap na tumagal din ng ilang segundo. Makikita rin sa video si Marjorie na nasa bandang gilid ng chapel habang kausap ang iba pang bisita sa burol.

Hindi ipinakita sa video kung nagkaayos na rin sina Gretchen at Marjorie pero totoo kaya ang chika na muntik na raw magkaroon ng confrontation scene sa pagitan ng dalawa?

Kung matatandaan, noong 2013 ay nakaaway ni Gretchen ang kanyang mga magulang, pati na sina Claudien at Marjorie. Tinawag pa nga ni Mommy Inday si Gretchen ng “liar” at “evil”. Bilang ganti, tinawag namang “sinungaling” at “abusive” ang kanyang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending