Dennis naagawan na ng dyowa | Bandera

Dennis naagawan na ng dyowa

Ervin Santiago - October 17, 2019 - 12:30 AM


IDINAAN na lang sa biro ni Dennis Padilla ang pang-aagaw sa babaeng minahal niya noon.

Sa presscon ng Magkaagaw natanong ang members ng cast kung naranasan na ba nila ang maagawan ng dyowa. Expected na ang sagot ni Sunshine Dizon dahil alam naman ng lahat ang pinagdaanan nila ng kanyang asawang si Timothy Tan na humantong pa nga sa demandahan.

“Alam ng lahat ang nangyari sa buhay ko, pass na ako diyan,” ang unang hirit ni Dennis na ginaya lang ang sagot ni Sunshine.

“Kung anuman ang nangyari kay Sunshine, hawig na hawig. Saka yung sa akin… magkaiba kasi yung sa ‘yo (Sunshine), same building. I-Google n’yo na lang,” ang sabi pa ni Dennis nang may magsabing “same municipality” ang naging kaagaw.

Nagseryoso naman si Denis nang matanong kung paano niya hinarap ang pagiging heartbroken, “Kailangan maging matibay. Lalo na kung may mga anak kayo, kailangang maging matibay.

“Ang una mong iisipin, yung mga katayuan ng mga anak mo bago yung sarili mo. Kaya very important yung lakas mo, yun ang makikita ng mga anak mo.

“Kasi hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan dahil yung kahinaan na yun, baka yun pa ang maging problema ng anak mo.

“Yun lang ang natutunan ko sa buhay. And malalim, masakit, pero you have to be strong. Kapag nalaglag ka, kailangan bumangon ka,” lahad ng komedyante na nagsabing maligaya na siya ngayon sa bago niyang partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending