Pinoy sa HK pinag-iingat | Bandera

Pinoy sa HK pinag-iingat

Liza Soriano - October 16, 2019 - 12:15 AM

IBAYONG pag-iingat at pagmamatyag ang paalala ng Department of Labor and Employment sa lahat ng manggagawang Pinoy sa Hong Kong sa gitna na mga kilos-protesta at kaguluhan doon.
Ayon sa DOLE, dahil sa sunod-sunod na kilos-protesta ay inihinto ang mga pampublikong sasakyan at natengga ang negosyo doon kaya muli itong nanawagan sa mga OFW para sa kanilang kaligtasan at seguridad.
Sa pinakahuling advisory na inilabas ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, kabilang sa mga naiulat na lugar kung saan magaganap ang protesta ay sa: Oktubre 12: New Town Plaza Shatin; Oktubre 13: Victoria Park and Edinburgh Place; Oktubre 14: Edinburgh Place and Chater Garden; Oktubre 16: Resumption of Legislative Council; Oktubre 20: The Riverpark Tai Wai to Shatin; Oktubre 21: Yuen Long MTR Station; Oktubre 26: Tamar Park Admiralty; Oktubre 31: Prince Edward MTR Station
Pinaalalahanan din muli ang mga Pinoy na huwag magsuot ng itim o puting damit habang nasa kalsada upang hindi mapagkamalang kasama sa nagpoprotesta.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending