KC halos hubo’t hubad na sa bagong litrato; pwet pinagpiyestahan sa socmed

By Ervin Santiago October 15,2019
share this

KC halos hubo’t hubad na sa bagong litrato; pwet pinagpiyestahan sa socmed

By Ervin Santiago October 15,2019
share this

PINAGPIPIYESTAHAN ng mga kalalakihan at katomboyan ang mga sexy photos ni KC Concepcion sa Instagram kung saan halos kita na ang kanyang hubo’t hubad na katawan.

Magkahalo ang reaksyon ng mga netizens sa mga litrato ni KC – may mga pumupuri sa kanyang katawan pero marami rin ang namba-bash sa kanya at tumatawag sa kanya ng “laos na boldstar”, “desperada” at “papampam sa mga guys”.

Para sa nanay ni KC na si Megastar Sharon Cuneta, matanda na ang anak niya at alam na nito ang kanyang ginagawa kaya okay lang sa kanya ang ginagawa nitong pagpapa-yummy sa social media.

E, ano naman kaya ang reaksyon ng tatay niyang si Gabby Concepcion nang makita nito ang mga litrato ni KC kung saan halos lumuwa na ang boobs at ang buong katawan nito?

Sa nakaraang presscon ng Beautederm para sa pagpapakilala kay Gabby bilang bago nilang endorser, natanong ang aktor tungkol dito.
“Well, ako, I love art. Kung maganda naman at marami naman akong nakikitang mga ganu’ng style. Pero, of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang.

“Of course, I’m open to that, hindi naman ako ganu’n (conservative), kung anuman ang ginagawa ng anak ko, alam ko she’s responsible enough para panindigan yan,” pahayag pa ni Gabo na guwapung-guwapo pa rin sa kanyang edad ngayon na siyang dahilan kung bakit kinuha siya ni Rhea Tan bilang bagong celebrity endorser ng Beautederm.

Sa mga bumabatikos at nanglalait naman kay KC, payo ng aktor huwag na lang daw magpaapekto ang dalaga, “Well, there will always be critics. Okay lang yun, if that’s how she feels and how she express her photo sessions or art form.”

Tinanong din ang aktor kung nakausap ba niya ang anak tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na foreigner.

“Yun din ang maganda, e, it’s unpredictable. Life is full of challenges, sabi nga nila, maraming hurdles.

“Ngayon, heto na naman tayo sa mga hurdles ng buhay. Hindi lang naman siya, lahat tayo. Nag-usap kami. Happy naman siya ngayon because of her new commercial,” pahayag ni Gabo.

Hindi man daw sila madalas na magkita ni KC, “Ang importante lang naman is there’s communication, nagtatawagan.

“Minsan makakausap mo lang, mawawala na yung problema mo. You don’t even have to be specific. Ang importante lang is happy siya. Kung saan siya happy, du’n lang tayo,” lahad pa ng hindi tumatandang tatay ni KC.

Very open ang kanyang ex-wife na si Sharon sa pagsasabing gustung-gusto na niyang magkaapo kay KC. Kahit daw walang asawa ay payag na siya na magbuntis ang anak.

Para naman kay Gabby, “It doesn’t matter kung meron o wala. Ang importante lang ‘yung magkakaroon ng anak ay happy.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending