Fans ni Claudine nanawagan kay Gretchen: Dalawin na ang amang may sakit | Bandera

Fans ni Claudine nanawagan kay Gretchen: Dalawin na ang amang may sakit

Ervin Santiago - October 14, 2019 - 04:53 PM

INAABANGAN ngayon ng mga netizens kung lalambot na ang puso ni Gretchen Barretto ngayong nakikipaglaban para sa kalusugan ang kanyang amang may sakit.

Nag-post si Claudine Barretto sa Instagram ng litrato ng kanyang tatay na si Miguel Barretto habang naka-confine sa hospital.

Nakaratay pa rin sa St. Lukes Medical Center ang ama nina Claudine at Gretchen. Nagsimula itong magkasakit matapos mag-celebrate ng kanyang 82nd birthday.

Sa nasabing IG photo, kasama ni G. Miguel ang bestfriend nitong si Tony Syap na mas ginustong magdiwang ng kanyang birthday sa ospital para samahan ang maysakit na kaibigan.

Caption ni Claudine sa kanyang IG photo, “Best friends since Grade school. 70years of friendship that u can only pray for.

“Was not going to post this but my Dads face lit up when his bff Tito TONY SYAP spent his birthday with my Dad.thank u Tito Tony. #huckleberryfriend.”

Sa comments section, maraming nag-alay ng dasal para sa tatay ni Claudine at meron din nanawagan na sana’y dalawin naman ito ni Gretchen.

Ito na raw ang tamang panahon para kalimutan ang galit niya sa ama at tuluyan nang magkaayos ang kanilang pamilya. Baka raw biglang gumaling si G. Miguel kapag nakita siya.

Wala pang sagot si Claudine sa mga tanong ng kanyang fans and IG followers tungkol sa kanyang ate. Hindi pa rin nagpaparamdam si Greta kahit na itinag pa siya ng ilang netizens na nag-repost ng litrato ng kanyang ama.

Open book naman ang matagal ng sama ng loob ni Gretchen sa kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto pati na rin sa kapatid niyang si Marjorie. Nito lang nakaraang February ay nagkaayos na nga sina Gretchen at Claudine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending