Maine pinaiyak nina Karla, Jolina at Melai; umaming naglalaro mag-isa sa loob ng cabinet | Bandera

Maine pinaiyak nina Karla, Jolina at Melai; umaming naglalaro mag-isa sa loob ng cabinet

Julie Bonifacio - October 14, 2019 - 12:15 AM

NAIKOT ng Kapuso star na si Maine Mendoza ang halos lahat ng talk show sa ABS-CBN except sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.

May movie kasi si Maine with Kapamilya star Carlo Aquino, ang “Isa Pa With Feelings,” under Blacksheep Productions and APT Entertainment.

Same thing ang nangyari nu’ng mag-promote rin si Paolo Ballesteros ng “The Panti Sisters” na co-produced din Blacksheep with IdeaFirst Company.

Schedule ang ibinigay na reason sa amin ni Paolo kaya ‘di siya makakapag-guest sa talkshow ni Vice. But with Maine’s case, wala naman kaming nabalitaan na dahilan kung bakit ‘di siya umapir sa GGV.

Understandable naman kung ‘di mag-guest sina Paolo at Maine sa programa ni Vice dahil magkatapat ang dalawang noontime shows nila, ang Eat Bulaga at It’s Showtime.

Parehong maganda ang kinalabasan ng guestings ni Maine sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay at ang programa ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda.

Tuwang-tuwa naman si Maine na nakapag-guest siya sa mga programa ng ABS-CBN.

Pinaiyak si Maine ng Magandang Buhay nu’ng sorpresahin siya ng sister niya sa programa nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros. Very close kasi kay Maine ang kanyang ate at iilan lang pala talaga ang malapit na kaibigan ng TV host-actress.

Mahiyain at sobrang introvert pala itong si Maine especially when she was a kid.

Kwento ni Maine nu’ng bata pa lang siya ay mahilig talaga siyang mag-isa kahit sa kanyang paglalaro. Ang nakakaloka ay hindi yung naglalaro siyang mag-isa pero ang inamin ni Maine na naglalaro siya nang solo sa loob ng cabinet niya.

Naku, ‘di kaya may kalarong invisible friend si Maine sa loob ng cabinet?

Oh, well, may pagka-weird pala itong si Maine nu’ng bata siya. Mabuti na lang naisipan niyang pasukin ang showbiz at na-overcome niya ang pagiging loner. Although, may mga panahon pa rin daw na mas gusto niyang mapag-isa.

Pareho raw sila ni Carlo na loner at mabibilang din sa daliri ang mga kaibigan. Kaya swak nga raw sila sa set ng movie nila na “Isa Pa With Feelings” na palabas na sa Oct. 16.

Malamang sa backstage ng Magandang Buhay ay nagkatsikahan si Maine at ang ina ni Daniel Padilla. Marami kasing clamour for a Maine-Daniel movie. At least now, may maikukuwento na si Karla about Maine kay Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, nominated ang Magandang Buhay sa Star Awards for TV para sa kategoryang Best Celebrity Talk Show na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University kagabi.

Napapanood ang Magandang Buhay mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 8 a.m., pagkatapos ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending