Regine sa mga taga-Payatas: I'm sorry, pasensiya na po | Bandera

Regine sa mga taga-Payatas: I’m sorry, pasensiya na po

Ervin Santiago - October 13, 2019 - 01:53 PM

REGINE VELASQUEZ

LUMIKHA ng ingay sa social media ang latest vlog entry ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil sa kanyang “insenstive comment” tungkol sa Payatas.

Binatikos ang misis ni Ogie Alcasid ng ilang netizens matapos niyang ibandera sa YouTube ang kanyang luxury bag collection kung saan katabi pa niya sa video ang anak na si Nate.

Sa isang bahagi ng video ipinakita ng Songbird ang kanyang vintage Fendi leather bag at ikinumpara ito sa hindi kagandahang amoy ng Payatas, na dating garbage dumpsite.

“This one is funny kasi nakakatawa ang istorya nito. Itong bag kasi na ito, mabaho… I remember, nung binili ko talaga siya, ang baho talaga niya,” simulang kuwento ng Songbird.

 “Ang ganda niya, di ba, ‘tapos yung leather niya naka-emboss. It’s so beautiful and intricate and ang ganda ganda ganda ganda niya,” dugtong niya.

Naikuwento rin niya na ang nasabi ring bag ang ginamit niya noong pumunta siya sa Payatas para sa isang documentary.

“Ang kuwento kasi nito, kakabili ko lang… I bought this in Hong Kong, I think. During that time, MTV asked me to do a documentary for street children and I went to Payatas, nakakatawa.

“Kasi kapag nasa Payatas ka na, hindi mo na maaamoy yung basura, e. Kasi kayo, pare-pareho na kayo ng amoy du’n.

“This is the bag I was wearing, so after the whole shooting, akala ko nasa Payatas pa rin ako. Yun pala yung bag ko yung mabaho. Mas mabaho pa siya sa Payatas,” aniya pa.

Ilang oras lang ang nakalipas ay na-bash na si Regine, hindi raw dapat ginagawang katatawanan ang Payatas, napaka-insensitive raw niya sa pagkukumpara ng kanyang bag sa amoy ng dating dumpsite.

Pero meron din namang nagtanggol sa singer-actress at nagsabing pinalaki lang ng ilang netizens ang sinabi ni Regine na wala namang intensyong makasakit ng kapwa. Wala rin daw sinabing nakaka-offend ang Songbird dahil totoo namang mabaho ang amoy noon sa Payatas.

But just the same, nag-issue pa rin ng public apology si Regine sa pamamagitan ng Twitter. Nag-sorry siya sa lahat ng mga na-offend sa kanyang mga nasabi sa vlog.

“I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say. Pasensya na po. God bless bless po,” tweet ng misis ni Ogie.

Isang fan naman ang nag-post sa Twitter ng dokumentaryong timutukoy ng Songbird na nangyari taong 2001. Dito makikita ang pagbisita niya sa  Payatas kasama ang mga taga-UNICEF para tulungan ang mga street children.

Ayon sa netizen, noon pa man ay matulungin na si Regine at hindi dapat husgahan nang dahil lang sa mga nasabi niya tungkol sa Payatas. Tigilan na raw ng mga bashers ang pagtira sa Songbird.

Sabi naman ng isa pang netizen sa hater ni Regine, “Issue naman nung amoy payatas ni Regine sa vlog kung sino ka mang pasimuno ka tumigil ka, ako na near payatas hindi nasaktan.. Payatas kaba? LUGAR TINUTUKOY YUNG SA PAYATAS KAGIGIL KA GHORL!!!”

q q q

Samantala, sa nakaraang presscon ng “ICONIC” concert nina Regine at Sharon Cuneta, sinabi ng Songbird na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakasama na niya ang kanyang idol sa isang concert.

“Hindi ako makapaniwala kasi ako I’m a fan, I’m a Sharonian. I’ve always been very vocal about it she’s always been an inspiration since the beginning of my career,” chika ni Regine.

Ayon pa kay Regine, “You don’t know how important this concert is for me. it’s such an honor for me to be sharing the stage with my Megastar.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaganap ang “ICONIC” sa Oct. 18 at 19sa Araneta Coliseum, directed by Rowell Santiago.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending