Panganganak ni Mariel sa US binanatan ng netizen; Robin napamura sa sobrang galit! | Bandera

Panganganak ni Mariel sa US binanatan ng netizen; Robin napamura sa sobrang galit!

Reggee Bonoan - October 12, 2019 - 12:05 AM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

HINDI pinalampas ni Robin Padilla ang comment ng isang netizen tungkol sa desisyon ni Mariel Rodriguez na manganak sa Amerika at pagkatapos ay uuwi rin dito sa Pilipinas dahil dito sila naniniralang mag-asawa.

Trending ang isyung ito na lumabas sa isang website kung saan makikita rin ang pakikipagsagutan ni Robin sa netizen na may handle name na @georg_supreme.

Nagkomento ang netizen sa Instagam post ni Mariel na nakasuot ng black dress at hawak ang kanyang tiyan na may caption na, “Verified. I had an ultrasound today. I saw Gabriela she is beautiful!!! If you watched my latest vlog (link is on my bio) you would know that my OB asked me to go on a high protein diet.

“Because Gabriela wasn’t growing so much (pescatarian for 8 months) and today she weighs approximately 4.5lbs yaaaay!!! The steak worked!!! Haha I am so happy and so relieved. Thank you God!!!

“Another update is her head is now down getting ready for delivery. Pls pray with me I really want to push for another vaginal birth. Enjoying the last stretch of my pregnancy.”

Naka-disable ang comments section ng IG account ni Mariel habang sinusulat namin ito pero bago ito nangyari ay na-screenshot ang komento ng netizen at tinag pa ang Presidente ng Amerika na si Donald Trump.

Ayon sa netizen, “@realdonaldtrump this woman @marielpadilla she does not live in the USA. She only goes in the US to give birth! Therefore, she’s a birther! Not Allowed.

May isang netizen (tinakpan ang pangalan) na sinagot ang basher ni Mariel ng, “georg_supreme so what? If she wants to give birth in the US what’s wrong with that, is it because you live in US?”

Hindi pa rin nagpatalo si georg_supreme na nag-reply naman ng, “OMG! Filipino celebrities are so pretentious and hypocritical. Because if you reply, I research this about D list personality that you consider celebrity. Didn’t her husband @robinhoodpadilla pride himself to be nationalistic? Then why the hell abandon the Philippines to give birth?

“Who to say it’s being American would be better. I SHOULD POSED THIS QUESTION, ‘WHAT IS WRONG IN THE PHILIPPINES?’ After giving birth go back to the Philippines and display their babies, privilege born in the USA, huh (sic).”

Naka-tag din ang @abscbn @twbaofficial @gmanews sa komento ng netizen.

Ipinagtanggol ulit ng isang netizen si Mariel na nagsabing, “@georg_supreme this is not about living in the Philippines or the other country, is not your decisions whether she or other women’s decide where they want to give birth.”

Dito na umalma si Robin, sinagot niya nang diretsahan ang matapang na netizen, “@georg_supreme nasan ka put***ng ama mo.”

Hindi pa rin nagpatinag ang netizen at tila lalo pang pinag-init ang ulo ng aktor, “@robinhoodpadilla translation: you’re asking where I’m at? Here (balloon emoji) 14’ 35’ 58.2432’ N and 120’ 59’ 3.1992 E.

Still I’ll report the birther to homeland security.”

Ang sagot naman ni Binoe, “georg_supreme kaya ka pala matapang nagtatago ka sa saya ng homeland security mo kapag nagkaroon ka na ng bayag magsalita sa harap ko isama mo na ‘yun homeland security mo, message niyo lang ako kung san gusto niyo sa Cuba, puede tayo magkita sa Cuba.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa nakakaalam, US citizen si Mariel at ginagamit niya ang karapatan niya bilang blue passport holder at mukhang wala naman siyang nilalabag na batas doon kaya pwede siyang magpabalik-balik sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending