Dear Aksyon Line,
Magandang araw po sa Aksyon Line at sa mga taga Inquirer-Bandera. Ako po ay isang guro dito sa Bacoor, Cavite. Halos dalawang taon pa lamang po akong nagtuturo sa elementarya. Alam naman po ninyo na hindi kalakihan ang sweldo ng isang guro na katulad ko na tamang tama lamang sa panggastos namin ng pamilya ko para sa pagkain at pag-aaral ng mga anak ko lalo’t paminsan minsan lamang ang pamamasada sa jeep ng asawa ko kung tinatawagan siya ng kanyang operator.
Ang problema ko po sa ngayon, paminsan minsan ay sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko po alam kung ano ang sakit ko. Gusto ko man po sana na magpadoktor subali’t nag-aalala ako sa magagastos pero sabi po ng co-teacher ko ay wala naman daw po gastos sa pagpapa-check up dahil sakop daw kami ng benipisyo na
ipinagkakaloob ng Philhealth. Gaano po ba ito katotoo? Gusto ko rin na malaman kung anu-ano ang benipisyo sa PhilHealth sa isang guro na tulad ko.
Salamat po,
Teacher Amor Golez
REPLY:
Dear Amor:
Noon pang buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan ay maaari nang makamtan ng mga guro at iba pang empleyado ng Department of Education o DepEd ang Primary Care Benefit 1 o PCB 1 package ng PhilHealth.
Kabilang sa nasabing pakete ang konsultasyon, taunang health profiling, screening para sa cervical at breast cancer, health counseling at laboratory tests gaya ng complete blood count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fasting blood sugar, lipid profile at chest X-ray.
Ang mga ito ay maaa-ring ma-avail sa outpatient department ng pampublikong ospital o rural health units o health centers na may laboratory services na itatalaga batay sa work station ng guro o non-teaching staff.
Ang mga kawani ng DepEd ang kauna-unahang grupo sa formal sector na mapagkakalooban ng PCB 1 package.
Ang pilot test na ito sa DepEd ang gagamiting batayan ng PhilHealth para maipagkaloob din ang nasabing benepisyo sa iba pang employed members.
Salamat
Dr. Israel Francis A. Pargas, OIC-Vice President for Corporate Affairs Group,
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran
sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.