BSP gagawa ng national ID | Bandera

BSP gagawa ng national ID

Leifbilly Begas - October 09, 2019 - 05:09 PM

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang gagawa ng mga ID para sa national identification system.

Pumirma sa kasunduan ang BSP at Philippine Statistics Authority, ayon kay Laguna Rep. Sol Aragones.

“This development would weed out possible corruption and ensure that the IDs are rolled out sooner,” ani Aragones, chairman ng House committee on Population and Family Relations, ang komite na naglabas ng Philippine

Identification System (PhilSys) Act sa nakaraang Kongreso.

Ayon sa BSP naglaan ito ng P3.4 bilyon para sa produksyon ng 116 milyong blank card o P30 kada card. Aabot sa P30 bilyon ang inaasahang gastos sa proyekto.

Sa ilalim ng programa isang ID na lang ang kailangan para makipagtransaksyon sa gobyerno at mga pribadong kumpanya.

“Napakaganda pong batas nito na makakatulong lalo na sa mga magsasaka’t mangingisda natin para makalapit sila sa pamahalaan at sa mga bangko para sa mga loan.”

Ayon sa Identification for Development ng World Bank may 16.3 milyong Filipino na walang proof of identity na dahilan kung bakit hindi sila makakuha ng government at financial services.

“Hindi na sila mabibiktima ng mga loan shark at pa-5-6 para makapag-operate,” dagdag pa ni Aragones.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending