Baguhang male celeb na pinupuri noon, puro kanegahan na ngayon

By Reggee Bonoan October 09,2019
share this

Baguhang male celeb na pinupuri noon, puro kanegahan na ngayon

By Reggee Bonoan October 09,2019
share this

KUNG dati-rati’y puro papuri ang naririnig namin para sa baguhang aktor na kasama sa isang entry sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayon ay mga kanegahan na ang nababalitaan tungkol sa kanya.

Mabait daw noon ang aktor at masipag pero tila nagbago na nga ito. Isa sa mga ikinaiinis ng kanyang mga katrabaho ngayon ay ang bigla na lang nitong pag-alis sa set nang hindi nagpapaalam sa production.

“Nu’ng una okay naman siya (baguhang aktor), tapos habang tumatagal na ang shooting namin parang may nababago na. Dati kasi pag tapos na ang eksena niya o sinuman sa amin, magsasabi o magpapaalam kami sa isa’t isa na ‘o, una na ako, tapos na ako.’ Ganu’n kami.

“E, siya biglang nawawala, nagtatanungan kami, itatanong namin sa production, hindi rin nila alam.

Tatawagan namin, ‘yun pala umuwi na raw siya. Nakaka-ano lang kasi akala ko all for one, one for all kami, e, nagsosolo na pala siya.

“Hindi naman big deal kaya lang di ba, bilang baguhan ka, sana matuto kang makibagay. Wala namang masama kung magpaalam ka man lang para alam din ng mga taong kasama niya,” sabi pa ng aming source.

Nagtanong kami sa mga taga-production at nabanggit nga na ng nakausap namin na pagkatapos ng eksena ay hindi na nagpapaalam ang binata kaya dedma na rin sila tutal tapos na nga ang trabaho niya.

Ano kayang nangyari sa baguhang aktor na ito? Bakit biglang nagbago? Sana hindi siya tulad ng ibang artista na nalulunod sa isang basong tubig dahil nga kilala na. At sana mag-workshop siya para hindi siya nakakailang takes at higit sa lahat, mag-aral siya ng basic voice lesson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending