'Hagibis' mahigpit na binabantayan - NDRRMC | Bandera

‘Hagibis’ mahigpit na binabantayan – NDRRMC

John Roson - October 08, 2019 - 03:08 PM

MAHIGPIT na binabantayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang bagyong “Hagibis” na, ayon sa mga forecaster, ay maaring maging super-typhoon habang papalapit sa bansa.

Ayon kay NDRRMC executive director Usec. Ricardo Jalad, minomonitor ng ahensya ang bagyo habang wala pang inirerekomendang karagdagang aksyon ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“As of now walang recommendation ang PAGASA (for preparations) kasi malayo pa at mukhang hindi naman tatama sa atin,” sabi ni Jalad sa isang text message.

“Tuloy-tuloy po ang ating monitoring, 24/7. Close monitoring po tayo,” sabi naman ni NDRRMC spokesman Mark Timbal nang tanungin kung may mga paghahanda na para sa bagyo.

Ayon kay Timbal, inaantabayanan ng NDRRMC ang PAGASA na mag-ulat kung may nakaamba nang panganib mula sa bagyo.

“Pag nakapasok siya, we will check if magkakaroon ng effect dito sa atin thru PAGASA projections.”

Oras na iulat ng PAGASA na magdudulot ng maalong karagatan ang bagyo, papadalhan ng warning ang Coast Guard para maabisuhan nito ang mga mangingisdang naglalayag, lalo na sa silangang bahagi ng bansa, ani Timbal.

“Kung may possibility of landfall, the NDRRMC will conduct pre-disaster risk assessment (PDRA),” aniya pa.

Ang mga PDRA ay pagpupulong kung saan naag-uulat at nagrerekomenda ng aksyon ang iba-ibang ahensiyang konektado sa NDRRMC at Office of Civil Defense tungkol sa mga posibleng epekto ng bagyo at iba pang sakuna sa populasyon, agrikultura, imprastruktura, at iba pa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, dakong alas-4 ng umaga Martes ay namataan ang sentro ni “Hagibis” sa layong 2,420 kilometro silangan ng Central Luzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umuusad ang bagyo pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada ora, taglay ang bugsong 245kph at hangin sa sentro na aabot sa 200kph, malapit na sa 220kph na lakas ng mga super-typhoon.

“Ang bagyong si Hagibis ay inaasahang pumasok sa pinakadulo ng Philippine area of responsibility by Friday, at hindi inaasahan mag-landfall sa anumang bahagi ng bansa,” ani Mendoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending