Senyorita Bulljack DMCA naging solo champ sa September 2019 World Pitmasters Cup | Bandera

Senyorita Bulljack DMCA naging solo champ sa September 2019 World Pitmasters Cup

- October 07, 2019 - 06:32 PM
MATAPOS ang record-breaking 529 kalahok sa ika-11 edisyon ng World Pitmasters Cup,  may nag-iisang entry ang tinanghal na solo champion sa katatapos na September 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby. Si Senyorita Bulljack DMCA na entry nina Jepoy, Bulljack at Allan Vicencio ang namayani laban sa  23 iba pang World Pitmasters Cup grand finalists noong Biyernes, Oktubre  4, sa  dinumog na standing room only crowd sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Walang bahid si Senyorita Bulljack DMCA  na may siyam na panalo para masungkit ang solong kampeonato sa prestihiyosong  stag derby sa bansa. Ang entries nina RJ Mea (RJM R Star Staton GF), Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza at Boy Velez (White Eagle), San Rafael, Bulacan Mayor Goto Violago (VRV San Rafael) at Jimmy Rimando/Voltaire Atienzar/Bebot Uy (Raptor Isabela VM SF) ang nagtapos bilang mga runners-up sa natipong walong puntos. Naging second runner-up finishers naman na may 7.5 puntos bawat isa sina Atong Ang (Small Bear 3), Rep. Sonny Lagon/J. Ruz (Ako Bisaya J. Ruz Scorpio), RJ Mea (Black Magic Tiaong), John Capinpin/Mayor Alonte (JCAP AMA), Atty. Caluya/Atty. Santos (Grand Archon 114) at Larry Villacorte (Hillvilli Job). Ang mga top finishers sa September 2019 World Pitmasters Cup  ay naghati-hati sa tumataginting na 42.3 milyong cash prize na itinururing na  pinakamalaki sa kasaysayan ng World Pitmasters Cup. Samantala,  ang November 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby ay gaganapin din sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Ang 4-Day elimination at semifinal format ay: 2-Stag Elimination sa Nobyembre 10-13; 7-Stag Big Event 220 k Pot sa Nobyembre 15; 3-Stag Semis sa Nobyembre 17-20; 4 Stag Pre-Finals (3 at 3.5 pointers) sa Nobyembre 22 at 4-Stag Grand Finals (4, 4.5 at 5 pointers) sa Nobyembre 23. Tanging mga Bakbakan, PFGB-Digmaan at Salpukan banded stags lamang ang tatanggapin. Ang kinakailangang timbang para makalahok ay mula 1.7-2.2 kilograms. Para sa mga katanungan at cockhouse reservations, tumawag sa  (0915)152-7975. Ang World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby  ay itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Rep. Eddiebong Plaza, RJ Mea, Rep. Sonny Lagon at Eric Dela Rosa. Hatid din ito ng Resorts World Manila at sinusuportahan ng Thunderbird Platinum, VNJ Vio-Plus, Excellence Poultry and Livestock Specialist, Thor MP Wash at Experto Gamefowl Products.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending