Albayalde, Aquino, 2 heneral pa dapat mag-resign
SA Senate blue ribbon committee, lumilitaw ang maraming lapses o pagkukulang nina PNP Chief Gen. Oscar Albayalde at PDEA Chief Aaron Aquino kaugnay ng 17 “ninja cops” at nahuling shabu sa raid sa Woodbridge Subd sa Mexico, Pampanga noong November 2019.
Ayon kay Baguio city mayor at dating CIDG chief General Benjamin Magalong, may itinagong 60 kilos ng shabu ang mga ninja cops na ang halaga noon ay P648-milyon. May ulat ding P50-milyong bribe money ang ibinayad ng arestadong Chinese drug lord na si “Johnson Lee” na pinalitan ng isang Chinese national Ding Wengkun na nahuli naman sa Clark Freeport.
Bilang dating provincial chief ng Pampanga, i-nosente ba si Albayalde sa “agaw-bato” ng kanyang mga tauhan? Totoo bang pangungumusta lang sa kaso kaya siya tumawag kay Gen. Aquino na noon ay Director ng PNP Region 3?
Bakit binalewala ni PDEA chief Aquino ang dismissal orders laban sa 13 “ninja cops” noong July 2016 na pirmado ni Gen. Petrasanta? Bakit nagdesisyon siyang manatili ang mga “ninja cops” at pina-tapon niya sandali sa Mindanao bilang “disciplinary measure”?
Isa pang classmate ni Albayalde na si Gen. Amador Corpus (PMA Batch 86) ang pumalit sa Police Regional Office 3, ang hindi rin ipinatupad ang “dismissal order”. At sa halip “demotion” ng isang ranggo lamang ang pinataw niyang parusa. Nagkataon lang ba na si Corpus ang pinuno ngayon ng makapangyarihang PNP-CIDG?
Sa pagtatanong ni Se-nator Gordon, nangako sina Corpus at Albayalde na muling sasampahan ng criminal and administrative cases ang 13 “ninja cops” na ang mga pangalan ay bi-nunyag ni Baguio city ma-yor Benjamin Magalong. Isa rito si Lt. col. Rodney Baloyo at Capt. Joven de Guzman Jr, kasama ng pitong master sergeants (SPO), tatlong staff sergeants (PO3) at isang police corporal (PO2). Sa ngayon, apat o lima rito sa mga “ninja cops” ay mga senior officers sa ilalim ni Gen.Ted Carranza, isa pang classmate ni Albayalde na ngayon ay regional director ng Region 4-A o Calabarzon.
Sa mga taga-loob ng PNP, lantarang nilabag ng mga “ninja cops” ang mga police procedures, nagsi-nungaling at pinaganda ang “field reports” para imposibleng mahuli ng mga matitinong opisyal sa PNP tulad ni dating Gen.Magalong. Malalim na kuntsabahang nangyari nila dahil sa proteksyon ng kanilang mga padrinong heneral.
Kung susuriin, parang “chubibo” ang imbestigas-yon ng komite ni Senador Gordon. Nagsimula sa Good Conduct time allowance (GCTA) law at mga napalayang heinous crime convicts sa Bilibid, ito’y napunta sa tumakas na Drug Queen na taga-Sampaloc, Maynila at ngayo’y “ninja cops” na kinanlong ng mga police generals.
Parang serye sa TV at halatadong nalilihis ang mga isyu tulad ng “shabu supply center” sa loob pa rin ng Bilibid. Malay natin, baka power play ito ng mga “drug cartel” kaya’t nagsisiraan ang mga pulis natin? “Power play” din kaya ito para sa appointment ng susunod na PNP chief?
Marami talagang tanong, pero sa ngayon, napakaraming butas ang mga paliwanag nina Albayalde, Aquino kasama sina CIDG chief Amador Corpuz at Calabarzon police chief Ted Carranza. At kung totoo ang mga alegasyon, tahasang na-traydor ang kampanya ni President Duterte. At ang masakit, sila’y mga pinuno ng PNP at PDEA na pangunahing tagapagpatupad ng War on Drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.