DUMATING sa bansa ngayong araw ang 158 overseas Filipino workers na ni-repatriate mula sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates.
Ito ang pinakamalaking mass repatriation ng Department of Foreign Affairs at Department of Justice na kapwa namumuno sa Inter-Agency Council Against Trafficking.
Sinalubong ang mga tauhan ng DFA ang mga OFW, na kasamang dumating kasama ni Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana.
Sila ay dinala sa CAAP Training Center kung saan matagpuan ang one-stop shop para sa kanilang mga pangangailangan gaya ng pasalubong package at cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Deve-lopment, at medical at dental check-up.
Marami sa mga iniuwing Pilipino ay walang kaukulang dokumento para makapagtrabaho sa UAE at mayroon lamang tourist visa.
Sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay Villar, undersecretary-in-charge ng IACAT, pinapalakas ng gobyerno ang kampanya laban sa human trafficking.
Noong Setyembre ay lumagda ang Pilipinas at UAE ng Memorandum of Understanding upang labanan ang human trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.