Angel kakaririn na ang paghahanda sa kasal nila ni Neil | Bandera

Angel kakaririn na ang paghahanda sa kasal nila ni Neil

Cristy Fermin |October 06,2019
facebook
share this

Angel kakaririn na ang paghahanda sa kasal nila ni Neil

Cristy Fermin - October 06, 2019 - 12:45 AM

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

Tapos na ang The General’s Daughter na tunay na kinarir ni Angel Locsin. Magmula nang ipanganak ang serye sa ABS-CBN ay kinakitaan na nang matinding entusiyasmo ang magandang aktres sa kanyang trabaho.

Hindi siya nagpapa-double sa mga delikadong eksena, kahit pa meron siyang pinoproblema sa kanyang likod na naging dahilan ng kanyang pamamahinga nu’ng mga nakaraang panahon ay pinanindigan niya ang papel na kanyang ginampanan, siya talaga ang nakikitang sumasabit sa ilalim ng umaandar na truck at iba pang makapigil-hiningang eksena sa serye.

Puring-puri si Angel ng kanyang mga direktor, maging ng kanyang mga kasamahang artista, talagang pinaghahandaan niya ang bawat makabuluhang eksenang ipagagawa sa kanya sa serye.

At inuulit namin, napakaganda ng aktres sa kanyang pinakasimpleng gayak na halos walang kulapol ng make-up, nakapusod lang, at nakasuot ng ordinaryong t-shirt.

Ganu’n talaga ang magandang personalidad sa harap ng mga camera, hindi umaasa sa make-up at magagandang gamit sa katawan, walang pinipiling anggulo.

Ngayong tapos na ang pagkarir ni Angel sa kanyang serye ay panahon na para bigyan niya naman nang sapat na atensiyon at panahon ang kanyang personal na buhay.

Wala pang sinasabing mga detalye si Angel at ang pakakasalan niyang businessman na si Neil Arce pero siguradong sosorpresahin na lang nila ang lahat sa mga ginagawa nilang preparasyon.

Gusto naming makita si Angel Locsin na pamilyado na, pero tuloy pa rin ang kanyang paggawa ng mga makabuluhang proyekto, mina ng industriya ang tulad niyang mahal na mahal ang kanyang propesyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending