‘Pumatay’ kina Gerald at Bamboo sa socmed makakarma
IN OUR last Thursday’s column ay naisulat namin ang fake news on Facebook reporting Gerald Anderson’s death in a car crash.
Any unsuspecting netizen would buy the story palibhasa to lend credence to it ay meron pa itong larawan ng GMA reporter na si Maki Pulido.
Buti na lang, lahat ng napakaraming nag-comment tungkol sa balita brazenly branded it as fake news.
Kinastigo rin ng mga ito kung sinuman ang may pakana ng balita na walang magawa sa buhay.
Ilang araw lang ang pagitan ay nasundan ito (over the weekend) ng isa pang pekeng ulat tungkol sa pagyao naman ni Bamboo. Unlike the Gerald story, hindi nakalagay roon ang sanhi ng kanyang “pagkamatay.”
Again, hindi ito pinalampas ng ilang netizens na bukod sa ayaw maniwala’y binatikos din nila whoever was behind circulating the fake news.
Matagal na itong umiiral, pinapatay ang mga taong sa katunayan ay buhay na buhay even before social media came into being. Malaking porsyento ng mga local celebrities have not been spared from “death” in whatever form.
Pero ang dapat katakutan are not the eerie thoughs about death kundi ang karmang maaaring mangyari sa tao o mga taong sagad sa buto ang homicidal tendencies as they pose danger in a peace-loving society.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.