SINABI ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na isusulong niya na isama ang mga nominees ng mga tumakbong party-list groups, sa ban kung saan isang taong silang hindi maaaring italaga sa anumang posisyon sa gobyerno.
“I am appearing in the Committee of Sen. Imee (Marcos). I will propose (that the) ban should cover party-list nominees,” sabi ni Guanzon sa kanyang Twitter account na @commrguanzon.
Ginawa ni Guanzon ang pahayag matapos namang italaga ang kontrobersyal na si Mocha Uson bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (Owwa).
Kinuwestyon naman ng iba’t ibang grupo ang pagkakahirang kay Uson kung saan sinabing bawal siyang italaga sa gobyerno hanggat wala pang isang taon matapos ang nakaraaang halalan.
Naging nominee si Uson ng natalong partylist group na AA-Kasosyo noong nakaraang halalan noong Mayo 2019.
“They should not be a favored class because they are not a protected class,” giit ni Guanzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.