Malditang female star inisnab ang mga OFW sa airport: Napakasuplada naman! | Bandera

Malditang female star inisnab ang mga OFW sa airport: Napakasuplada naman!

Cristy Fermin - October 04, 2019 - 12:35 AM

NAPAPAILING na lang ang isang source nang makarating sa kanya ang impormasyon kung paano tinrato ng isang magandang female personality ang mga kababayan natin na lumapit sa kanya sa airport nu’ng minsan.

Tuwang-tuwa pa naman daw ang mga Pinoy na kauuwi lang sa ibang bansa dahil nakita nila ang aktres na dating napapanood lang nila sa telebisyon habang nasa ibang bansa sila.

Kuwento ng source, “Pagdating na dito sa atin nu’ng nakita nila si ____ (pangalan ng magandang aktres).

Naghihintay sila ng mga bagahe nila sa carousel, tapos, nakilala siya ng isang babae sa grupo, kaya sinabi niya ‘yun sa mga kasamahan niya.

“Tama, mga OFW sila, matagal silang nagtrabaho sa ibang bansa, umuwi lang sila dahil nakakuha ng bakasyon sa mga employer nila.

“Lumapit ‘yung nakakita sa magandang aktres, sinabi ng girl na madalas nilang pinanonood ang dating serye niya, pero hindi man lang umimik ang aktres. Parang wala lang!

“Bumalik siya sa grupo nila, bago pa siya nakapagkuwento tungkol sa kamalditahan ng female personality, e, may nagyaya na agad para magpakuha ng picture.

“Hindi na niya nabawalan ang kasama niya, ang sasabihin sana niya, e, huwag na lang, kasi maldita pala ‘yung aktres! E, nagpunta na sa tabi nu’ng aktres ang kasama niya, kaya hindi na niya napaalalahanan!

“Pagbalik nu’ng magpapa-picture sana sa female personality, e, naiinis siya, ang sabi, ‘Hindi mo man lang ako pinigil, e, napakasuplada naman pala ng artistang ‘yun!

“Du’n na nagsabi ang unang nakakita na siya man, e, inisnab ng babaeng personality! Parang wala raw siyang naririnig, parang wala lang, ni hindi nga siya pinansin!

“Palaging ganu’n ang mga kuwento tungkol sa babaeng ‘yun! Palaging kamalditahan niya ang pinagpipistahan, e, hindi pa naman siya superstar!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kanaturalan na nga ng female personality ang kamalditahan, kahit naman ang kanyang mga katrabaho ay ganu’n din ang sinasabi tungkol sa kanya, umaapaw ang kanyang kasupladahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagtatapos ng aming source nang nakataas ang kilay, “Maldita siya, napakasuplada niya, e, wala naman siyang karapatan! Kahit nga ang mga artistang rich and famous, e, hindi naman ganu’n sa kanya!”

Ay naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending