Bong ipaglalaban na ibaba sa 56 years old ang senior citizen
HAD he not been charged with and jailed for plunder, naisabatas na sana noon ni Sen. Bong Revilla na gawing 55 anyos ang senior citizen sa halip na paabutin pa ito ng sisenta.
Nagkataon namang sa kalagitnaan ng pag-aakda niya ng naturang panukala ay saka naman pinanagot si Bong ng Aquino administration sa kasong pandarambong kung saan dawit ang itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam, si Janet Napoles (na rape ang naka-record na kaso!).
That time, hindi pa kami sumasampa in our mid-50s. Ikinatuwa namin ang hakbang na ‘yon ng senador, delighting in the thought that we’d enjoy the perks which come with being a senior citizen at age 55.
Nakulong si Bong, nakalaya, tumakbo uling senador, nanalo.
Sa aksidenteng pagkakatisod namin sa isang online program ay siya ang panauhin. Nice to hear mula mismo sa kanyang bibig that he hasn’t given up on pushing the same bill, ‘yun nga lang, ipaglalaban niya na sa edad na 56 ay gawing senior citizen na ang aabot sa gulang na ‘yon.
Kung bakit humirit pa si Bong ng isang taon mula sa isinusulong niyang 55 is what baffles us a bit. He should have stuck to his original bill.
His stand remains unchanged though. Sa panahon nga naman ngayon ay nag-iba na ang lifespan ng tao.
q q q
Still on the program, medyo binuhay lang ng guesting ni Bong ang hunger pangs ng mga nakatutok doon.
Ang inaasahan kasing lalaman, kundi man bubusog, sa kumakalam na sikmura ng mga tagapakinig was Bong’s reaction sa tila nangawatak nilang pagsasamahan nina Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.
We’re not referring to him and Jinggoy, mas lumalim pa nga yata ang kanilang pagkakaibigan noong kapwa sila nakapi9it kung saan literal na dingding lang ang nakapagitan.
Marami siyempre ang curious kung kumusta na sila ni Ipe? When was the last time they three sat at a poker table with some little booze on the side?
Iba siyempre noong bumibisita sa kanila si Phillip sa kulungan. Their bonding time was limited kung paanong limitado rin ang puwede nilang ikilos.
The outside world as it used to be was a terribly missed opportunity to make up for lost time, nagkaroon ba noong makalaya na sina Bong at Jinggoy with ipe?
And how is Bong kaya taking his bosom friend’s super attachment to his fellow solon and namesake? Feeling ba ni Revilla’y naagawan siya ng atensiyon ni Go?
Sa kaso nilang tatlo, are we to say that friendship ends where political interests begin?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.