DEAR Ateng Beth,
Magandang araw. May question lang po ako. May girlfriend po ako at nabuntis ko siya. Gusto ko naman siyang pakasalan kasi alam kong mahal ko siya at gusto kong magbuo ng pamilya na kasama siya.
Ang kaso po ayaw po siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa akin. Hindi raw po ako ang tamang lalaki sa kanilang anak.
Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral pero may maayos naman akong trabaho at sa tingin ko kaya ko naman buhayin ang magiging pamilya ko. Anong gagawin ko?
— Jason, Bulacan
Dear Jason,
Binabati kita sa kagustuhan mong panagutan ang ginawa mo. Bibihira na lamang ang lalaking may balls para panagutan ang kanilang naging kalokohan.
Pero babatukan pa rin kita sa pagdadalawang isip sa dapat mong gawin. Hijo, hindi dapat nagdadalawang-isip sa ganyang pananagutan o responsibilidad. Kung alam mong tama at dapat na gawin, ay gawin mo. Bakit hindi mo itutuloy? Unang-una, kumpyansa ka naman kamo na kaya mong buhayin ang magiging mag-ina mo di ba, so go!
Syempre sa magulang, walang mabuting lalaki para sa anak nilang babae. Lagi at laging mayroon yan silang pintas at masasabing negatibo ‘wag lang malayo sa anak nilang babae.
Kung tama na naman ang edad ninyo at willing naman si girlfriend na magpakasal kayo, e di sige na. Kahit di bongga at publicly announced ang kasal, do what needs to be done, hindi dahil buntis siya kundi dahil gusto n’yo talagang magsama habambuhay, napaaga nga lang ang kasal dahil sa baby.
Kailangan mo lang talagang patunayan na hindi lang sa natapos na kurso o sa tindig o kaguwapuhan ang batayan ng pagiging mabuting lalaki. Patunayan mo sa kanyang mga magulang na mamahalin mo at aalagaan ang kanilang anak, yun lang naman sa tingin ko ang gusto nilang assurance na makuha sa iyo. In the end papayag din sila lalo kang magsisikap kang ipaglaban ang pagmamahalan ninyo.
Go! Do what is right and proper, Jason!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.