Carlo, Maine walang planong talbugan ang ‘Hello, Love, Goodbye’ ng KathDen
WALANG intensiyon ang pelikulang “Isa Pa With Feelings” nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na makipagtalbugan sa kinita ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye.”
“Ang makapagbigay ng magandang pelikula ang hangarin namin ni Carlo at ni direk Prime Cruz at ng iba pang mga nakasama namin sa movie,” pahayag ni Maine sa ginanap na mediacon para sa “Isa Pa With Feelings.”
Matatandaang bago ang showing ng KathDen movie, nagpahayag ng suporta si Meng kina Alden at Kathryn, hinikayat niya ang publiko na panoorin ito. Sa katunayan, ilang beses pang nanonood sa sinehan ang Dubsmash Queen bilang support sa dati niyang ka-loveteam.
Tinanong namin si Meng kung nagbigay na rin ba ng suporta si Alden sa pelikula niya with Carlo.
“Congratulations! Ha! Ha! Ha! Congratulations! Kasi wala naman po. Hindi pa naman po showing ang pelikula.
“Pero before po, nagkakuwentuhan kami kung tungkol saan ang pelikula. Natanong naman niya ako about it and very open naman kami sa ginagawa naming projects. Napag-uusapan namin and very happy kami sa success ng isa’t isa,” pahayag ni Meng.
Madrama ang eksena ni Maine sa isang eksena na ipinakita sa trailer. Pero kahit magdrama, preferred pa rin niyang magkomedya. Ito pa rin ang kanyang comfort zone.
“‘Yun pa rin po. Dito po, nag-i-explore pa rin naman ako sa drama pero hindi pa rin po ako kampante.
“Sa comedy po kasi, nasa Eat Bulaga ako everyday. Araw-araw akong nahahasa, may mga bagong learnings pa rin po. Sa TVJ, sa JoWaPao. Du’n at du’n pa rin po!” rason niya ang tinutukoy ay ang trio nina Tito, Vic & Joey.
Sundot na tanong namin kung nabigyan na ba siya ng lakas ni Lord? Nito kasing nakaraang mga araw, lagare si Meng sa “Isa Pa Wth Feelings,” sa movie nila ni Vic Sotto para sa 2019 MMFF plus may Eat Bulaga pa siya at iba pang trabaho sa showbiz.
“Nabigyan na po ako ng lakas ni Lord at patuloy pa ring na lumalaban sa mga pasubok ng buhay!” diin ng Phenomenal Star.
After ng kanilang pelikula, ang mami-miss niya kay Carlo, “Marami akong mami-miss pero kung isa lang, siguro yung love-hate friendship namin! Ha! Ha! Ha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.