Kilalang male celeb sinuwerte sa showbiz, naging dyowa pa ng super sikat na TV host | Bandera

Kilalang male celeb sinuwerte sa showbiz, naging dyowa pa ng super sikat na TV host

Cristy Fermin - October 02, 2019 - 12:35 AM

SA isang hindi kalayuang probinsiya sa Maynila ay pinagpipistahan ang unti-unting pagbabago ng kabuhayan showcase ng isang kilala na ring male personality.

Kilalang-kilala ng mga tagaroon ang pamilya, pati ang kanilang estado sa buhay, kaya nakikita nila ang gumagandang kalagayan ng kanilang mga kababayan.

Kuwento ng isang source, “Marami silang magkakapatid, maganda ang lahi nila, tahimik lang silang namumuhay. Simpleng buhay, pero masaya.

“Sa dami nila, e, natural lang na kapos ang family, marami kasi silang naghahati-hati sa biyaya, kaya kailangan nilang gumawa ng paraan para mabuhay.

“‘Yung isang anak, nagnenegosyo, maliit na business lang ‘yun, pero kumikita naman. ‘Yung isa, may sariling tricycle, siya mismo ang bumibiyahe, masisipag silang magkakapatid.

“Hindi nga sila mayaman, pero kilalang-kilala ang pamilya nila dahil active ang magkakapatid sa mga projects sa community nila.

“Pero ang talagang sinuwerte, e, ‘yung isa sa magkakapatid, siya ang nakakatuwang ng kapatid niyang nasa ibang bansa sa pagtulong sa family nila,” madetalyeng pagpapakilala ng aming impormante sa pamilya.

Guwapo ang male personality, may malakas na karisma, marami ring nakakapansin sa maganda niyang ugali. Palagi siyang nakangiti, marunong makisama sa kanyang mga katrabaho, walang kayabang-yabang.

Patuloy ng aming source, “Sino nga ba ang mag-aakala na siya pala ang makapag-aahon sa pamilya nila sa kakapusan? Sinuwerte siya, nakilala siya nu’ng may kumuha sa kanya para maging part ng isang sikat na show, nagsimula ang suwerte niya du’n!

“Aksidente lang ‘yung opportunity na ‘yun, nagkaproblema sa mga documents ‘yung pinalitan niyang male personality sa programa. Hanggang sa unti-unti na siyang nakilala, nagkaroon na siya ng mga fans, pero may pinakamatinding pangyayari sa buhay niya na talagang nagpabago sa buhay at career niya.

“Naging close sila ng main host, hanggang sa naging super-super-close na sila. At ngayon nga, e, magkarelasyon na sila. Natural, dahil sa malaki na ring kinikita ng male personality, e, gumaganda na rin ang buhay ng family niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi na rin kataka-taka kung one day, e, mas gumanda pa ang buhay ng pamilya, nagmamahalan ang main host at ang male personality, kaya imposible ba namang tulungan ng mayamang personality ang kanyang love?

“Ayun! ‘Yun na ‘yun! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba ng ibang clue? Ayun na, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending