Derek hindi papayag na bastusin ng bashers si Andrea | Bandera

Derek hindi papayag na bastusin ng bashers si Andrea

Cristy Fermin - October 01, 2019 - 12:45 AM

ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY

Masipag sumagot sa social media si Derek Ramsay. Hindi niya pinatatagal ang issue lalo na kapag imbento lang ang kuwentong ipinakakalat ng kanyang basher.

Hindi siya ang tipong pababayaan lang na kumalat ang isang istoryang wala namang katotohanan. Pero marespeto pa rin siyang sumagot, hindi siya nambabastos ng basher, ipinakikita niya na mas mataas ang kanyang estado kesa sa namubulabog lang sa kanyang pananahimik.

At hindi siya basta sumasagot lang, idinedetalye niya ang totoo, alam ni Derek na kapag pinabayaan niya lang ang mga imbentong kuwento ay malaki ang posibilidad na paniwalaan ‘yun ng publiko.

Napakasuwerte ni Andrea Torres dahil hindi pumapayag si Derek na basta-basta ito saktan ng mga bashers.

Ipinagtatanggol niya ang dalaga, pinagpapaliwanagan niya ang mga taong walang magawa sa buhay, safe na safe si Andeng kay Derek Ramsay.

Bata pa lang ay sa ibang bansa na nag-aaral ang hunk actor. Nagtagal siya sa Amerika at sa London. Bitbit niya hanggang ngayon ang ugali ng pagiging diretso.

Prangka siya pero may respeto. Hindi siya namba-body shaming ng mga bashers, nagpapaliwanag lang siya, para tapos na agad ang isyung ibinabato laban sa kanya at kay Andrea.

Maginoo si Derek Ramsay, kahit ang mga bago pa lang niyang nakakakilala ay nakikipaglaban sa kanyang ugali, ayaw niya sa paikut-ikot na paraan dahil napakadiretso niyang kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending