Piolo yummy pa rin sa edad na 42: Sobrang sarap po sa pakiramdam

By Ervin Santiago October 01,2019
share this

Piolo yummy pa rin sa edad na 42: Sobrang sarap po sa pakiramdam

By Ervin Santiago October 01,2019
share this

ENCHONG DEE AT PIOLO PASCUAL

SA edad na 42 napanatili pa rin ng Kapamilya hunk na si Piolo Pascual ang kanyang fit and yummy body.

Hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa mga male celebrities na kinaiinggitan ng maraming kalalakihan dahil nga sa kanyang magandang pangangatawan bukod pa sa tindi ng sex appeal at kaguwapuhan.

Sa nakaraang presscon ng Sun Life Financial para sa “SunPiology Xone 2019”, humarap si Papa P sa entertainment media kasama ang isa pang ambassador ng Sun Life na si Enchong Dee para hikayatin ang madlang pipol na muling makitakbo sa kanila for a healthier life.

Ito na ang ika-11 taon ni Piolo bilang aktibong advocate ng taunang fun run kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito.

“I am always committed to do a marathon, which I haven’t done because of maraming labada, so ngayon I’m 42, I’m doing a 42 at 42 km,” pahayag ni PJ.

Sa question and answer portion ng presscon, natanong ang singer-actor na sa kanyang edad ngayon, buti raw ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod o matinding sakit sa tuwing tumatakbo siya o kapag nasa gym.

“Hinahanap e, actually kanina paggising ko tumakbo ako, nag-boxing ako at nag-badminton ako bago ako pumunta rito, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko,” chika pa ni Piolo.

Bahagi na kasi ng kanyang everyday routine ang pag-e-exercise, “I was telling nga to my trainer a while ago, lifestyle pala hindi na siya chores sa’yo kasi nakikita mo ang benefits nakikita mo ang advantage na you’re more (energetic), especially you’re getting older na sobrang sarap ‘yung mararamdaman mo afterwards.”

Hirit pa ng Sun Life ambassador, “I got addicted to the feeling of the energy that I get from the happy endorphins na nakukuha ng mga athlete kapag nag train.”

“So hindi siya nakakapagod, nakaka-revive siya actually, mas nagiging malakas ako at hindi madaling mapagod,” sey pa ng aktor.

Kaya sa “SunPIOLOgy Xone” ay muling kakasa sa hamon si Piolo. Sa taong ito, magkakaroon ng tatlong highlights ang event: ang Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH at Sun Life Resolution Run. Ongoing na ang registration para sa Sun Life Virtual Run (www.sunpiology.com) and will be open until Oct. 14, 2019. The run period will be from Oct. 15 to Nov. 15, 2019.

Ang Sun Life Cycle PH naman ay magaganap sa Nov. 23, and registration is still ongoing and will be open until Nov. 22 habang ang Sun Life Resolution Run naman ay gaganapin sa Jan. 18, 2020 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Registration will begin on Nov. 15 (www.sunpiology.com and select Toby’s Sports Stores).

“Sun Life aims to offer Filipinos more avenues to pursue their health goals. With SunPIOLOgy, we are able to make the pursuit fun and engaging through a variety of sporting events, while the charity component makes it more meaningful and memorable,” ayon kay Sun Life Chief Marketing Officer Mylene Lopa.

“We are thankful that as we mark 11 years of SunPIOLOgy, we continue to grow our community and effectively promote the importance of living healthier lives,” dagdag pa niya.

Samantala, naghahanda na rin ngayon si PJ sa pagsisimula ng reunion movie nila ni Claudine Barretto na kukunan pa sa Florence, Italy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending