Gov’t exec nais gamitin ang isang grupo sa kanyang ambisyon
DA who ang isang balat sibuyas na opisyal na matapos i-harass ang isang miyembro ng isang grupo ay nais pang gamitin ang organisasyon sa kanyang ambisyong maging kalihim ng isang departamento?
Usap-usapan ngayon ang nilulutong pakulo ng isang government executive kung saan nag-oorganisa siya ng isang gimik na ang target ay magamit ang isang organisasyon.
Matagal nang nag-aambishyon ang government executive na maitalaga sa pinakamataas na posisyon ng ahensiyang kanyang kinabibilangan, bagamat lagi itong nabubulyaso.
Ilang taon na kasing nabalitang papalitan at ililipat ang kasalukuyang secretary ng kontrobersyal na kagawaran, bagamat hindi matuloy-tuloy.
Bukod kasi sa malakas din ang kapit ng nakaupong opisyal, hindi rin siya mailipat-lipat sa ibang ahensiya ng pamahalaan dahil duda kung magagawa nito ang kanyang magiging bagong trabaho.
Kasi nga naman palpak na nga si Mr. Secretary sa kanyang kasalukuyang trabaho, kaya’t hindi kataka-takang hindi pa siya maitalaga sa nabakanteng posisyon.
Nauna kasing napaulat na siya ang ipapalit bilang pinuno ng isang Cabinet position na iniwan ng isa ring opisyal matapos na sumabak sa halalan.
Hindi nga lamang siya pormal na maitalaga sa posisyon dahil sa pag-aalangan kung magagawa niya ang trabaho na epektibo.
Balik tayo sa gimik ng nag-aambisyong Cabinet wannabee, ini-la-lobby niya ngayon sa organisasyon na payagan ang kanyang pakulo, bagamat, nagkakaisa ang mga opisyal nito na hindi ito susuportahan.
Dahil sa kanyang pananabla sa isang miyembro ng grupo, muntik pang ideklara ang government executive na persona non grata bagamat hindi natuloy dahil nagkaisa ang grupo na wag nang patulan ang paandar ng opisyal.
Mali rin ang ibinigay na posisyon sa opisyal dahil hindi rin nagtagal sa dati niyang pinanggalingan.
Paano ba naman, wala rin namang alam ang opisyal sa unang posisyon nito dahil naitalaga lamang siya dahil sa kanyang pagsuporta noong nakaraang halalan.
Gusto nyo pa ba ng clue? Walang ginawa ang opisyal kundi magbulakbol. Isa ang opisyal sa may pinamadalas magbiyahe sa ibang bansa sa kabilang ng umiiral na travel ban sa mga nakaupo.
Mahilig talagang manggamit ng grupo ang opisyal dahil isa pang grupo ang kanyang ginagamit para makapunta sa iba’t ibang bansa.
Gets nyo na ba ang tinutukoy ko?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.