Instagram post ni Vice Ganda kumpirmasyon na ng relasyon nila ni Ion Perez

By Ervin Santiago September 27,2019
share this

Instagram post ni Vice Ganda kumpirmasyon na ng relasyon nila ni Ion Perez

By Ervin Santiago September 27,2019
share this

TILA kinumpirma na ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang relasyon nila ni Ion Perez.

Ito’y sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinandera ng TV host-comedian ang litrato nila ni Ion na nakilala sa tawag na Kuya Escort sa It’s Showtime.

Kuha ito sa nakaraang Star Magic All-Star Games 2019 kung saan magka-holding hands silang tumatakbo sa basketball court.

Nilagyan ito ni Vice ng caption na, “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME.”

Pinusuan ito ng mahigit 777K netizens at sandamakmak na comments mula sa followers nina Vice at Ion. May mga nangnega man sa dalawa, mas marami pa rin ang maligaya para sa kanilang relasyon.

Samantala, sa episode naman ng Showtime kanina, muling ibinandera nina Vice at Ion ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Tatlong araw absent sa Kapamilya noontime show si Ion kaya nang umapir ito sa programa kanina tinanong siya ng ng mga host na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario tungkol sa IG post ni Vice.

Usisa ni Vhong kay Ion, “Yung pinost niya sa IG, ni-like mo ba?” Na sinagot ng binata ng, “Pinusuan ko yun, Kuya. Pinusuan ko yun.”

Hindi na raw siya nag-comment sa post ni Vice dahil, “Puso lang, sapat na.”

Tanong naman ni Jhong, “Anong naramdaman mo nung pinost niya yun?” Sagot ng binata, “Siyempre ano, Kuya, kinilig.”

Kitang-kita naman na kinikilig si Vice habang ini-interview ng kanyang mga co-host ang kanyang rumored boyfriend.

Muling tinanong ni Jhong si Ion kung mahal ba niya si Vice, “Mahal na mahal ko ‘yan, Kuya,” diretsong tugon ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending