One-on-one with coach Vergel | Bandera

One-on-one with coach Vergel

Eric Dimson - July 26, 2013 - 04:28 PM


ANG dating “Aerial Voyager” ng PBA ay isa na ngayong bench tactician sa NCAA. Sa ikaapat na sunod na taon ay minamanduhan ni PBA veteran Vergel Meneses ang mga Heavy Bombers ng Jose Rizal University. Kung noong isang taon ay nangangapa pa siya sa bago niyang role sa dati niyang paaralan ay tila gamay na niya ang trabaho niya ngayon. Isa ang JRU sa mga inaasahang aabante sa Final Four at maging sa NCAA Finals. Nakausap ni Bandera correspondent Eric Dimzon ang dating PBA Most Valuable Player at narito ang kanyang sinabi.

Bakit mo tinanggap ang maging coach ng JRU?
Unang-una, gusto ko makatulong sa JRU. Dito ako nanggaling. It is my way of giving back to JRU. Gusto ko ibalik sa kanila ang nagawa nila sa akin.

Bilang dating PBA superstar, mas matindi ba ang pressure na maging magaling din bilang coach?
Actually, may pressure talaga. Pero ako, I love challenges. Nung pumasok ako sa PBA, nagsimula ako sa wala. But it served as a challenge for me to improve my game. Ito nga, bagong challenge na naman ang coaching.

Hopefully, I can also improve as a coach as the tournament progresses. Kailangan talaga magtrabaho. Learning process sa akin ang coaching.

May labing-isa kang rookies sa iyong koponan. Di ba mahirap ito?
Well, being rookies, wala talagang experience ang karamihan sa mga players ko. Pero ang sabi ko sa kanila, as long as we play as a team, nothing is impossible.

Ano ang nakikita mong susi para magtuluy-tuloy sa Final Four at sa Finals ang iyong koponan?
We have to be consistent. ‘Yun ang sinabi ko sa kanila. Ang main weapon namin is defense. We have to capitalize on our quickness since mas bata ang mga players ko kumpara sa ibang teams.

Sinasabi ko sa team na puwede kami maging successful kahit 11 rookies kami. As long as dedepensa kami, hindi ako natatakot. Success will come if we work hard for it.

Anong klaseng coach ka ba? Masasabi mo bang maluwag ka o istrikto?
Nasa gitna lang ako. If they make a mistake, pagsasabihan ko sila. ‘Yun ang personality ko. Pero pag pinagsabihan ko na sila ng dalawang beses, only then na nagiging istrikto ako.

Ano ang masasabi mo sa pagdami ng bilang ng dating PBA players na coach ngayon sa mga college leagues?
Siyempre masaya rin ‘yun para sa mga dating PBA players. Nai-impart nila ‘yung knowledge nila sa basketball sa mga batang players.

At mas kapani-paniwala ang advice ng mga dating PBA players. May kredibilidad dahil dati silang players. Stepping stone mo ba ang pagiging collegiate coach para sa maging head coach sa PBA someday?

Hindi pumasok sa isip ko ‘yan. Kung may makakapansin, salamat. Kung wala naman, OK lang. I intend to prove myself first with JRU.

Ano ang iyong fearless forecast para sa JRU ngayon?
I rate our team 10th among all ten teams. As I told my players, as long as we play as if there’s no tomorrow, we will exceed expectations. Target namin ang Final Four.

Ano ang pinakamahalagang bagay na maituturo mo sa iyong mga players?
Para sa akin, the most important thing that I can teach my players is to love the sport. Konti lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapaglaro at mapabuti ang kanilang kinabukasan dahil sa paglalaro.

Nakakapag-aral sila nang libre dahil sa paglalaro. And who knows, baka umabot sila sa PBA. Maaaring maging susi sa maginhawang buhay para sa kanila ang basketball. The least that they can do is to love the sport.

Bukod sa ang manalo ng championship, ano ang magpapasaya sa iyo bilang isang coach?
Gusto ko maging successful ang mga players ko bilang players or whatever they eventually choose to become. And I want them to finish their education. Ako, hindi ako nakatapos.

Nagkataon lang na sinuwerte ako sa paglalaro. Gusto ko makatapos silang lahat para may fallback sila. Hindi naman lahat umaabot sa PBA.

Masaya ka ba sa JRU?
Oo naman. From the president, board of directors to the players, walang problema. Sana masuklian ko ang tiwala nila sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending