Anong tamang edad para mag-asawa? | Bandera

Anong tamang edad para mag-asawa?

Beth Viaje - September 25, 2019 - 12:15 AM

DEAR Ateng,
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Luis, 17 years old po at nakatira dito sa Cebu City. May girlfriend na po ako at masasabi ko po na compatible po kami.
We are dreaming of our future wedding. Pero siyempre hindi naman ito mangyayari ngayon o next year.
Ask ko lang po kung ano ba talaga ang tamang edad para magpakasal o mag-asawa?
Malaki pong tulong ang maipapayo ninyo sa akin. Madalas po akong magbasa ng column ninyo at marami akong natututunan.
Salamat po.
Luis

Magandang araw din sa iyo, Luis dearest.
Salamat naman at may nakaka-appreciate pala ng aking mga payo. May saysay din pala ang pagdakdak ko dito. Hahaha!
Anyway, naku dear, you are so young to think about this kind of things. Pero sabi mo nga nangangarap ka pa lang naman at hindi mo pa siseryosohin.
This is so sweet, though.
Nothing bad about dreaming of your own wedding ninyo ni GF. Pero alam mo ba kung anong mas magandang gawin ngayon? Mas kilalanin muna ninyong dalawa ang inyong mga sarili. Spend time building your dreams hindi lamang sa pag-aasawa kundi sa anong gusto ninyong marating sa buhay.
Dream of things you want to do together, gaya nang makapagtapos muna sa pag-aaral at makahanap ng magandang hanapbuhay para sa inyong future at ng inyong magiging pamilya.
Happy ako dahil alam mo na bata ka pa at hindi ito ang tamang edad para sa pag-aasawa.
If you ask me, ang tamang edad ng pag-aasawa ay kung parehas na kayong may hanapbuhay, ipon at mentally ready to face the challenges of having a family. Siguro late twenties to early thirties is a good age. I hope mapaghandaan n’yo ito bago kaya pumasok sa isang bagay na wala nang atrasan. I wish you the best!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending