Ai Ai, 2 anak nabiktima ng sindikato sa online business: Mga demonyo kayo!!! | Bandera

Ai Ai, 2 anak nabiktima ng sindikato sa online business: Mga demonyo kayo!!!

Jun Nardo - September 24, 2019 - 12:41 AM

AI AI DELAS ALAS

NABIKTIMA ng online scammers ang magkapatid na Sancho at Sophia delas Alas.

Inilabas ng Comedy Queen sa kanyang Instagram account ang screenshot ng scammers ng mga anak pati na ang picture ng isang lalaking nag-deliver ng bag na puro papel lang ang laman at walang nakalagay na pera.

Sa caption ni Ai Ai sa kanyang IG post, sinabi nitong ibinebenta ni Sancho ang ilang relo nito dahil hindi naman niya ito nagagamit. May kaugnayan naman sa ticket ng Oppa na si Cha Eun Ho ang panloloko sa kanila ni Sophia.

“Naku kung sino man kayong mga demonyo kayo d man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma..makuha niyo man yan d nyo din naman yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nagwawagi…

“At sinabihan ko din ang mga anak ko wag masyadong magtitiwala sa nga tao nagyun kasi andami ng masasamng tao na mga pinsan o kapatid o KAPATID ng kalaban ni Lord…

“Maging aral na lang ito sa kanila at satin na mag-ingat sa mga online sellers at buyers,” saad ng pa ng TV host-comedienne.

May user name na Mateo Paul (@terous209) ang umano’y scammer ni Sophia habang isang Stian Young naman ang nangloko kay Sancho.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending