Sulat mula kay Senyor, ng Barangay Tumanan,
Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Dati akong empleyado sa pribadong kompanya, pero ibinenta ito. Dahil iba na ang may-ari, ang mga regular na empleyado ay pinag-resign, at isa ako sa mga nawalan ng trabaho. Medyo malaki rin ang nakuha kong pera at natatakot akong maubos na lang ito nang walang nangyayari. Sinabi ng misis ko na kapag natapos na kami sa binabayarang mga utang ay magnegosyo na raw kami. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang alamin kung ano po ba ang the best na negosyo para sa aming mag-asawa. October 26, 1970 ang birthday ng misis ko at February 10, 1970 naman ako. Sana mabigyan ninyo kami ng magandang ideya kung ano ang angkop na negosyo sa aming mag-asawa na magpapayaman sa amin.
Umaasa,
Senyor, ng Barangay Tumanan, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa inyong guhit ng palad, kapwa naman kayong nagtataglay ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa inyong palad ng misis mo. Ibig sabihin, tama ang balak ninyong mag-asawa, hindi sa muling pamamasukan, kundi sa pagnenegosyo kayo yayaman.
Cartomancy:
“Marami ang nagnegosyo pero konti lang ang umuunlad at yumayaman” ang nais sabihin ng barahang Five of Spades, subalit ang ikinaganda, na sumunod na dalawang barahang Nine of Diamonds at Ten of Hearts, hindi kayo matutulad sa mga nagnegosyo na nalugi lang, sa halip, sa marubdob o seryoso n’yong pagmamahalan at pagtutulungang sinupin ang itatayo nyong negosyo, tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap – ang pagkawala ng trabaho ang magiging sanhi at bunga upang sa susunod na limang taon ay unti-unting umunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyang yumaman.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.