8 baboy sa QC positibo sa African Swine Fever- DAll | Bandera

8 baboy sa QC positibo sa African Swine Fever- DAll

- September 20, 2019 - 11:32 AM

POSITIBO ang unang walang baboy sa African Swine Fever matapos naman ang isinagawang pagsusuri sa mga dugo ng namatay na hayop mula sa dalawang barangay sa Quezon City.

Ibinigay ang resulta ng confirmatory test ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, Huwebes ng hapon.

Una nang nagsumite sa BAI ng kabuuang 45 blood samples mula sa Barangay Bagong Silangan at Payatas.

Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa iba pang baboy.

Nakatakda namang makipagkita si Belmonte sa mga hog raisers para sa pagpatay ng mga baboy sa dalawang apektadong barangay.

Tutulong si Barangay Payatas Chairman MannyGuarin, na nag-aalaga ng 300 baboy, para maipatupad ang kautusan ng culling, ayon sa lokal na pamahalaan.

Nakatakda namang maglaan ng P10 milyong pondo para sa ayuda sa mga apektadong lugar sa lungsod, ayon kay Belmonte.

Binigyan diin ni Belmonte na kailangang isuko ang lahat ng mga apektadong baboy para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

“Kaya importante na sa dalawang barangay ma-contain na ang sakit dahil kung kumalat pa sa ibang lugar, baka kulangin na ang ating pondo,” sabi ni Belmonte.

Samantala, nakatakdang pangunahan ni Belmonte ang boodle fight ng lechon para ipakita sa publiko na ligtas ang pagkain ng baboy.

“Mula sampung lechon bawat araw, dalawang lechon na lang ang nabebenta kaya gusto ko silang tulungan,” sabi ni Belmonte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending