DFA may Facebook page na para sa OFW | Bandera

DFA may Facebook page na para sa OFW

Liza Soriano - September 20, 2019 - 12:15 AM

INILUNSAD kamakailan ng Department of Foreign Affairs ang opisyal Facebook page para sa mga biktima ng pag-aabuso at distress na mga overseas Filipino workers (OFW) sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng FB page na tinatawag na “OFW Help” ay mas madaling mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga OFW saan mang panig ng mundo.
Ayon sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, mas magiging organisado rin ang pagpoproseso sa lahat ng hinaing ng mga manggagawa at kaagad silang mabibigyan ng ayuda.

Dagdag ng DFA, magagamit ang nasabing social media ng mga OFW na hindi makapupunta sa pinakamalapit na embahada ng Pilipinas o konsulada na nais humihingi ng tulong.
Idinagdag ng DFA na naisipan nila itong gawin dahil halos lahat ng mga Pilipino ay gumagamit ng Facebook.
Maaari ring gamitin ang official Facebook page ng mga undocumented OFWs at mga nais magmiyembro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending