Kylie, Maxine nakiusap sa madlang pipol: Please, tama na!
FOR Kylie Versoza and Maxine Medina, water under the bridge na ang issue sa kanilang dalawa which stemmed from the controversial scene where the former made dura the latter during the taping of Los Bastardos.
“Actually, alam mo kami ni Maxine okay kami. ‘Yung social media lang ‘yung medyo maingay lang talaga. Alam mo, ever since Binibini magkaibigan na kami. Guys, tama na nga,” Kylie said.
“Oo, tama na nga kasi hindi lang nakaka-affect sa amin as a person kundi naaapektuhan na rin ang ibang artists, alam mo ‘yun? I want to put an end on this kasi we’re friends, ever since, alam mo ‘yun?
“Parang lumaki na lang nang lumaki on social media, nagkaroon na ng gap. Kami, nag-usap kami,” say ni Maxine.
What did they learn from the controversy? “Siguro puwedeng pag-usapan prior ng scene. Nagka-fight scene kami before. Siguro hindi lang namin napag-usapan nang mabuti. Siguro next time, mapag-uusapan na namin before doing the scene,” say ni Kylie.
“Dapat po alalahanin natin na ako po si Dulce on set. Iba po si Isay on set, iba po si Maxine on set, iba po si Dulce on set,” dagdag pa ni Kylie.
Sa loob ng halos isang taon, kinapitan ang kwento ng Los Bastardos na nagpapakita ng matibay na samahan ng pamilya sa kabila ng mga problemang hinaharap. Kinapulutan ng aral ang pagmamahalan nina Don Roman (Ronaldo Valdez) at Soledad (Gloria Diaz) na parehong hindi sumuko sa kanilang walang kapantay na pag-iibigan kahit paulit-ulit silang sinubok ng tadhana.
Kinakiligan din ang serye sa matamis na pagmamahal na dala ng mga minamahal nilang sina Isay (Maxine), Dianne (Ritz Azul), Coralyn (Mary Joy Apostol), at Lupita (Mica Javier) na sinamahan sila sa lahat ng laban kahit pa malagay sila sa kapahamakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.