Lesbiyanang aktres matinik sa girls, kalat na ang relasyon sa bagong beauty queen

By Cristy Fermin September 20,2019
share this

Lesbiyanang aktres matinik sa girls, kalat na ang relasyon sa bagong beauty queen

By Cristy Fermin September 20,2019
share this

BABAENG-BABAE naman ang isang kilalang young actress sa malayuan, pero bakit kaya ayaw tumigil ang mga kuwento tungkol sa kanyang kasarian? Tivoli ang tawag nila sa mahusay umarteng young actress.

Ayon sa mga kuwento-kuwento ay mahusay lang magdala ng kanyang sarili ang young actress, hindi halatado ang pagiging kuya niya, pero sa totoong buhay ay kapwa babae rin ang hanap niya.

May isang young actress na naugnay nu’n sa pinagdududahang tibong young actress, pero minsan ay na-link din ang kanyang pangalan sa isang baguhang personality, maganda ito at may malakas na dating.

Kuwento ng aming source, “Kuya ang tawag sa kanya nang palihim ng mga katrabaho niya. Kasi nga, di ba, matagal nang kumakalat na isa siyang tivoli?

“Naging karelasyon niya nu’n ang isang magandang young actress, may-I-deny sila tungkol du’n, pero wala namang naniwala sa mga katwirang ibinigay nila!

“Mas maraming naniniwala dahil kapag magkasama sila, e, daig pa nila ang mga bagong kasal sa sobrang kaswitan!” unang chika ng aming impormante.

May isa pang female personality na naka-close ang pinagdududahang tivoling young actress, naging malapit sila sa isa’t isa, kaya maraming nag-isip nu’n na naging sila rin.

Balik-chika ng aming source, “Tama, sa dinami-dami ng mga artista sa network na pinasukan ng baguhang female personality, e, siya pa ang naging ka-close ng girl!

“So, nag-isip ang mga nakapaligid sa kanila, pinagdudahan ang kanilang closeness, matinik daw talaga si kuya! Magaling siyang mamili, may mata siya sa kagandahan!

“Waiting ngayon ang marami sa pagbati ni kuya kay baguhang aktres, kasi nga, may magandang kapalarang dumating sa girl! Nagmana siya sa mommy niya, may korona na rin siya ngayon!

“Ano raw kaya ang feeling ngayon ni kuyang young actress, binati na raw kaya niya ang may korona nang baguhang personality?

“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sinu-sino sila. I-Google world n’yo na agad!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending