Kim de Leon, Shayne Sava napaiyak sa harap ng press; inalala ang kahirapan

By Ervin Santiago September 18,2019
share this

Kim de Leon, Shayne Sava napaiyak sa harap ng press; inalala ang kahirapan

By Ervin Santiago September 18,2019
share this

KIM DE LEON AT SHAYNE SAVA

PAREHONG naiyak sina Shayne Sava at Kim de Leon nang humarap sa entertainment press matapos tanghaling Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck Season 7.

Hindi nila napigilan ang maging emosyonal nang magpasalamat sa members ng media na nagsusulat tungkol sa kanilang journey sa StarStruck at sa lahat ng mga taong bumoto sa kanila para maabot ang kanilang mga pangarap.

Pahayag ni Kim, “Sobrang thankful ko po talaga. Hindi ko po mapigilan mapaiyak kanina. Talagang parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya.”

“Napakalaking karangalan po at the same time, responsibilidad ito para sa amin,” dagdag ng binata na talagang nagpakitang-gilas nang bonggang-bongga sa pag-arte sa series of artista challenge.

Sey naman ni Shayne, una siyang nagpasalamat sa Diyos nang isigaw na ang pangalan niya bilang Ultimate Female Survivor, “Super blessed po yung feeling, unang-una sa lahat. Salamat kay God, answered prayer po talaga!”

Bukod sa titulong StarStruck Ultimate Male and Female Survivors, nagwagi rin sila ng P1 million cash, management contract worth P5 million sa GMA Network, at house and lot mula sa Lessandra Homes.

Ayon kay Shayne, diretso sa savings ang ilang bahagi ng kanyang napanalunan at ang iba ay itutulong niya sa pamilya, “Unang-una po savings para po sa sarili ko, para po sa family ko. ‘Yung sa prizes po at sa contract sa GMA po, hindi ko po sasayangin ‘yun.”

Sa pagkapanalo naman ni Kim, hindi na raw nila itutuloy ang pagbebenta ng bahay nila sa Batangas at makakalipat na rin sila sa magandang bahay, “Hindi na po kami magtitiis sa maliit na tinitirhan na inuupahan na dorm.

“Hindi na rin po matutuloy ang pagbenta ng bahay namin sa Batangas. Makakatulong po talaga ito,” ang naluluha nang pahayag ni Kim. Ayaw ko po kasi sana ipabenta, kaya lang kailangan na kailangan na po talaga. Ngayon mas mapapaganda pa po siguro,” dugtong ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending