Titigan ng CarMaine sa teaser ng ‘IPWF’ trending agad

By Cristy Fermin September 18,2019
share this

Titigan ng CarMaine sa teaser ng ‘IPWF’ trending agad

By Cristy Fermin September 18,2019
share this

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

Natiyempuhan namin ang unang teaser ng pelikulang “Isa Pa With Feelings” na pagsasamahan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza. Aba, mukhang promising ang pelikulang ito!

Ang ganda-ganda ng mga shots ng titigan nila, tumatawid ‘yun sa manonood, isang proyekto na naman itong pinagtatambalan ng dalawang artistang ni hindi magkakilala nang personal.

Pero mukhang may chemistry sina Carlo at Maine, nang-iimbita ng interes ang kanilang mga titigan, kaya pala ay isang deaf and mute (pipi at bingi) ang papel na ginagampanan ng magaling na aktor.

Unang pagkakataon pa lang ‘yun na nasilip namin ang teaser pero naramdaman na agad namin ang kanilang tambalan.

Parang Alden Richards at Kathryn Bernardo rin sila na pinagdudahang hindi magtatagumpay nu’ng una pero nang ipalabas na ang “Hello, Love, Goodbye” ay nangalaykay ng pera ng bayan sa takilya.

Una pa lang ‘yun, kapag nabugbog pa ng promo ang pelikula nina Carlo at Maine ay siguradong mas mang-iimbita ‘yun ng interes ng bayan, tagumpay sa takilya rin ang kauuwian ng “Isa Pa With Feelings.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending