Kilalang female celeb kakaiba ang trip pag inatake ng topak: Nakakaloka siya!

By Cristy Fermin September 18,2019
share this

Kilalang female celeb kakaiba ang trip pag inatake ng topak: Nakakaloka siya!

By Cristy Fermin September 18,2019
share this

MAGBABALIK na raw sa pagharap sa mga camera ang isang female personality na naging magulo ang personal na buhay. Napakaraming nanghihinayang sa kanya dahil itinuturing siyang posteng artista ng kanyang network nu’ng bigla siyang nawala sa gitna ng aksiyon.

Maraming naganap sa kanyang personal na buhay, nagkaroon sila ng paglalaban sa korte ng kanyang mister na aktor, lumutang ang mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa babaeng personalidad, hanggang sa magkahiwalay na sila ng ama ng kanyang mga anak.

Siya ang sentrong paksa sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz isang gabing napakalakas ng ulan. Marami kasi sa mga nandu’n ay nakasama na ng aktres sa trabaho nu’ng kasagsagan ng kanyang career.

Ang dami-daming nilang naalala, mga anekdota ‘yun tungkol sa female personality na kung minsan ay inaapuntahan ng pagkakaroon ng sariling mundo, siya lang ang nakakaunawa sa kanyang sarili.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Ano, babalik na raw siya? Totoo na ba ‘yan? Naku, ilang beses na niyang sinabing babalik na raw siya sa pag-arte, pero hindi naman natutuloy!

“Kung totoong babalik na nga siya, sana naman, e, huwag na niyang gagawin pa uli ang mga kalokahan niya nu’ng time na sikat siya at very in-demand talaga!” unang chika ng source sa umpukan.

Maraming kuwento ‘yun. Ang ikalawang miron ang nagtuloy ng chika tungkol sa mga kalokahan ng female personality na sayang dahil maganda pa rin hanggang ngayon.

Ang kanyang reaksiyon, “Naku, ibang klase ang babaeng ‘yun! Kapag tinatamad na siyang magtrabaho, e, marami siyang naiisip na dahilan! Nakakaloka siyang katrabaho!

“Minsan, bigla na lang siyang magsisisigaw! May kausap siya sa phone, talagang sigaw siya nang sigaw!

Tapos, bigla na lang niyang sasabihan ang PA niya, aalis na raw sila, gulantang siyempre ang mga kasamahan niya sa taping!

“Sasabihin niya sa EP, ‘Something happened, I need to go!’ Ganu’n lang! Walang information, walang kahit ano, basta, kailangan na raw niyang umalis dahil may nangyari!

“Natural, hindi na makukunan ang mga eksenang kasama siya, apektado ang trabaho, dahil wala na ang kanilang bida! Kamukat-mukat mo, wala naman palang nangyaring anuman, gusto lang niyang umuwi na, tinatamad na pala siyang magtrabaho!

“Kaya kung babalik na siya, harinawang seryoso na siya, hindi na siya totopakin, hindi na siya magluluka-lukahan! Mahirap hampasin ng bareta ang babaeng ‘yun kapag inaapuntahan siya ng sumpong!” pagtatapos ng miron.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba naman ng clue? Bigay na bigay na kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending