Kim naging instant reyna ng kalandian sa ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ ng GMA

By Bandera September 18,2019
share this

Kim naging instant reyna ng kalandian sa ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ ng GMA

By Bandera September 18,2019
share this

MEGAN YOUNG, RAYVER CRUZ, KRIS BERNAL AT KIM DOMINGO

PATINDI na ng patindi ang mga kaganapan ngayon sa Kapuso afternoon horror-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Mas gumulo pa ngayon ang pagsasama nina Yvie (Megan Young) at Matteo (Rayver Cruz) dahil sa mga pagkukunwari ni Adora (Boots Anson Rodrigo). Napaniwala nito ang anak na si Matteo na meron siyang matinding karamdaman para na rin mapigilan siyang umalis ng bahay kasama ang pamilya.

Ipinagpipilitan ni Yvie sa asawa na wala talagang sakit si Adora at niloloko lang siya para maging sunud-sunuran sa gusto ng ina. Siyempre, mas pinaniwalaan ni Matteo ang kanyang nanay at pinagsalitaan nga ng masasama ang kanyang misis.

Samantala, wala namang kaalam-alam si Matteo na ang kaibigan niyang si Katya (Kim Domingo) ay sinaniban na ng kaluluwa ni Naomi (Kris Bernal). Ang dating kimi at conservative na si Katya ay biglang naging reyna na ng kalandian.

At ngayong nasa katawan na niya si Naomi, mas madali na niyang maaagaw si Matteo kay Yvie para sila na ang magsama. Hanggang saan aabot ang paggamit ni Naomi sa katawan ni Katya? Tuluyan na nga kayang maakit ng naghihiganting multo ang lalaking pinakamamahal?

‘Yan ang abangan sa pagpapatuloy ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga, sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Kasama rin sa serye sina Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Beverly Salviejo, Euwenn Aleta, Denise Barbacena, Analyn Barro, Joaquin Manansala at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending