Tambalang Jon Lucas-Claire Ruiz may magic | Bandera

Tambalang Jon Lucas-Claire Ruiz may magic

Bandera - September 17, 2019 - 12:10 AM

JON LUCAS AT CLAIRE RUIZ

TRIBUTE para sa mga seaman at ng kanilang mga pamilya ang pelikulang “Marineros” ni Anthony Hernandez.

Napanood na namin ang movie sa ginanap na premiere night kamakalawa ng gabi sa SM Cinema 9 na dinaluhan ng cast members sa pangunguna nina Michael de Mesa, Claire Ruiz, Paul Hernandez, Ahron Villena, Alvin Nakasi, Jef Gaitan at Jon Lucas. Kasali rin sa movie si Valerie Concepcion.

In fairness, matino at maganda ang pagkakabuo ng pelikula. Talagang mararamdaman mo ang hirap at sakripisyo ng mga marineros habang malayo sila sa kanilang mga pamilya. Wagi rin para sa amin ang cinematography ng “Marineros” lalo na sa mga eksenang kinunan sa Bohol.

May mga eksena kasi sina Jon at Claire sa movie kung saan inikot nila ang ilan sa mga tourist spots sa Bohol kaya parang kasama ka na rin sa kanilang pamamasyal.

Pero bukod dito, nais din naming palakpakan ang acting ng lahat ng members ng cast, lalo na sina Michael, Claire, Jon at Ahron. Magaling si Michael bilang bulag na tatay ni Claire na idinemanda ang kumpanyang pinagtrabahuan bilang seaman dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya habang nagtatrabaho.

At siguradong makaka-relate rin ang mga kabataan sa love story nina Claire at Jon sa movie na pilit pinaghihiwalay ni Michael matapos mawala ang tiwala niya sa mga ito. Dito pinatunayan ng dalawa na hindi lang sila pang-TV kundi pwede na rin silang pakawalan sa mga pelikulang makabuluhan.

Nakaka-touch naman ang isang eksena ni Ahron sa barko kung saan pilit niyang pinakakalma ang kapwa marinero na balak magpakamatay matapos malaman na may ibang lalaking kinakasama ang kanyang asawa.

Naluha talaga kami pagkatapos ng eksenang ‘yun dahil feel na feel namin ang dinaranas ng mga marinero na malayo sa pamilya tapos lolokohin pa ng kanyang asawa.

May hugot ang pelikula ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Productions at sabi nga ni Direk Anthony, alay nila ito sa lahat ng mga marineros na itinuturing din nilang mga bagong bayani, “It’s an inspiring story, drama na may kurot sa puso.”

Todo rin ang pasalamat ng direktor kay Michael dahil hindi ito nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto, “God’s will na rin talaga na siya ang nakuha namin sa husay, sa galing at saludo kami talaga at sa time na ibinigay niya sa amin na alam naming busy siya (Ang Probinsyano) ay very thankful kami at bagay talaga sa kanya ang role niya bilang bulag.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Marineros” sa Sept. 20 sa mga sinehan nationwide. Nakatakda rin itong ipalabas sa iba’t ibang film festivals abroad, “May mga kinokontak na rin kaming international booker,” lahad pa ng director-producer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending