Dulce sa pagkatalo ni Marian sa TNT: Hindi ako manghihingi ng sorry...yun ang nararapat | Bandera

Dulce sa pagkatalo ni Marian sa TNT: Hindi ako manghihingi ng sorry…yun ang nararapat

Cristy Fermin - September 16, 2019 - 12:20 AM


MAHIRAP ang posisyon ng mga hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Lalo na ang tumatayong punong-hurado, puro pamba-bash ang kanilang tinatanggap mula sa mga kumokontra sa kanilang paghusga, sobrang personal ang mga upak sa kanila.

Inupakan nu’n si Jaya na punong-hurado sa labanan, ano raw ang karapatan nitong ma-ging judge sa TNT, samantalang sintunado nga itong kumanta?

Ang magaling na singer-composer na si Rey Valera ay hindi rin nakaligtas, hindi na raw uso ngayon si Rey, matanda na kasi at mahina na ang tenga nito sa pagkilatis ng sintunado at magaling kumanta.

Ang pinakahuli ay ang Asia’s Diva na si Dulce, inupakan siya nang sobrang personal dahil bilang punong-hurado nu’ng araw na maglaban sina Marian at Mariko ay ang transgender ang kanyang i-pinanalo, pinakain ng ampalaya si Dulce nang dahil du’n.

May mga nagdedepensa naman sa kanya, totoong magaling kumanta si Marian, pero nu’ng araw na maging magkalaban sila ni Mariko ay higit na mas magaling ito.

“Sa anumang labanan po, e, isa lang ang mananalo. Paborito ko si Marian, hanga ako sa talent niya, pero hindi ako manghihingi ng sorry kung si Mariko ang nanalo dahil ‘yun lang ang nararapat,” emosyonal na pahayag ng magaling na singer.

Napakaparehas ni Dulce sa pagiging punong-hurado, nararamdaman niya ang emosyon ng mga kalahok, dahil minsan isang panahon ay dumaan din siya sa pagiging kontesera sa kanilang probinsiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending