Direk Daryll Yap may ipinaglalaban, may pakiusap sa media | Bandera

Direk Daryll Yap may ipinaglalaban, may pakiusap sa media

Reggee Bonoan - September 16, 2019 - 12:10 AM


USAPING”Jowable” pa rin, na-touch naman kami sa pahayag ng direktor ng pelikula na si Darryl Yap nang humingi siya ng tulong sa movie press para ma-promote nang husto ang first mainstream movie niya.

Dito rin niya pinuri nang husto ang lead star niyang si Kim Molina pati na ang boyfriend nitong si Jerald Napoles.

“Ang ‘Jowable’ po ay para sa tatlong tao. Una ay para sa pinagdududahan ang kanilang halaga.

“Pangawala, para sa mga tulad kong walang kamag-anak na artista, hindi anak ng pulitiko, hindi sumama sa isang reality show, walang kilala sa loob ng industriya, nagsusumikap sa kanyang sariling paraan upang magkaroon ng sariling puwang sa showbiz industry.

“At pangatlo po, gaya po ng ibinigay ninyo sa amin (oras) ngayong araw na ito, ang ‘Jo-wable’ po ay tungkol sa pagkakataon o chance. ‘Yun lang naman po ang gusto ng bawa’t isa sa atin, magkaroon ng chance.

“Ang kasama ko po dito sa stage ay listahan ng mga pinakamagagaling na supporting actors sa bansa pero nagsama-sama po para suportahan ang isa sa pinakamainit na supporting actress ngayon na si Kim,” pahayag ng batambatang direktor.

Nabanggit din ni direk Darryl na kapag nag-uusap sila ni Kim ay marami silang “sana” at isa na nga sa mga “sana” nila ay ang kumita ang “Jowable.”

“Isa po sa mga sana namin ni Kim, sana kakampi namin kayo mga press people. We will owe it to you if we’ll make it because bibihira lang po ‘yung gumagawa ng ganitong trip sa Philippine cinema, tulungan n’yo po kami sa aming trip.

“I know there are some people who are not happy and they’re not relating to it. I guess ‘Jowable’ is for everybody because people always comment on Facebook na, ‘sana all jowables kamahal-mahal.’

“This film will make you realize that you don’t have to say that because the moment you open your eyes, the Creator already gives you the reason to be loved and to love another person. And with your help Philippine press, I hope the world will understand that Filipinos are all jowables. Thank you very much,” mahabang pahayag ng direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending