P27M shabu nakumpiska; drug dealer patay sa QC
PATAY ang isang 50-anyos na lalaki at narekober umano sa kanya ang P27.2 milyong halaga ng shabu sa buybust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Edgardo Alfonso, ng Brgy. Tramo, Pasig City.
Alas-5:15 ng umaga ay nakabili umano ng shabu ang isang undercover agent sa suspek sa tapat ng gasolinahan sa P. Tuazon Ave. kanto ng 18th Avenue, Brgy. San Roque.
Pero nakatunog umano ang suspek kaya naglabas ito ng baril at pinaputukan ang police poseur buyer. Nagtangkang tumakas ang suspek subalit nasawi ito habang nakikipagbarilan.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang apat na kilo ng shabu na nasa loob ng itim na bag, kalibre .45 pistola at mga bala.
Ang suspek ay kasali sa target ng NCRPO Case Operational Plan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.