Baron Geisler: Miss na miss na kita Lloydie, sana bumalik ka na

By Ervin Santiago September 12,2019
share this

Baron Geisler: Miss na miss na kita Lloydie, sana bumalik ka na

By Ervin Santiago September 12,2019
share this

“NAMI-MISS na kita Lloydie!” ‘Yan ang mensahe ni Baron Geisler para sa kanyang kaibigang si John Lloyd Cruz.
Ayon sa magaling na aktor, kung papayag si John Lloyd, gusto niya itong maging bahagi ng kanyang kasal next year dahil itinuturing pa rin niya itong mahalagang tao sa buhay niya.

“Of course, hopefully, ma-contact ko si Lloydie. Nami-miss na kita Lloydie man, I miss you, man. I hope to work with you soon,” pahayag ni Baron sa panayam ng ABS-CBN.

Hirit pa ng kontrabida ni Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano, umaasa siya na babalik pa rin si Lloydie sa showbiz at muling makagawa ng mga makabuluhang pelikula.

“Balik ka na. Kailangan ka ng industriya, pare,” sabi pa ni Baron sa kanyang kaibigan.

Kung hindi kami nagkakamali, nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawang aktor sa youth-oriented show na Tabing Ilog.

Masaya ring ibinalita ni Baron na may plano rin gumawa ng isang reunion project para sa cast ng Tabing Ilog.

“Si Direk Malu (Sevilla) nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na ‘Tabing Ilog’ reunion, na malalaki na kami,” pahayag pa ng aktor sa nasabing interview.

Pero sabi ni Baron, kung matutuloy man ang proyektong ito may isang request lang siya, “Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending