Emergency power solusyon sa traffic | Bandera

Emergency power solusyon sa traffic

Ira Panganiban - September 13, 2019 - 12:15 AM

ART. 3, Sec 447, Part 5, Par. 5 of the Local Government Law of 1991 says to wit: Regulate the use of streets, avenues, alleys, sidewalks, bridges, parks and other public places and approve the construction, improvement, repair and maintenance of the same; establish bus and vehicle stops and terminals or regulate the use of the same by privately-owned vehicles which serve the public; regulate garages and the operation of conveyances for hire; designate stands to be occupied by public vehicles when not in use; regulate the putting up of signs, signposts, awnings and awning posts on the streets; and provide for the lighting, cleaning and sprinkling of streets and public places.”

Ito ang bahagi ng batas na nagtatali ng kamay ng Department of Transportation, Malacanang, at ma-ging ng MMDA pagdating sa pagsasaayos ng trapiko sa mga highly urbanized and congested areas.

Sa probisyon na ito, tanging ang local government unit ang may kapangyarihan sa paggamit at pag-ayos ng mga lansangan sa kanilang jurisdiction. Maging ang national government ay hindi maaaring makialam dito.

Ito ang dahilan kung kaya’t naguguluhan ako sa sinasabi ni Senator Grace Poe na madaming batas at probisyon na magagamit ang national government para ayusin ang traffic ng hindi kinakailangan ang emergency powers.

Kunin nating example ang number coding sa Metro Manila. Tandaan natin na ang namumuno sa Metro Manila ay and Metro Manila Council o MMC. Ang MMC ay nasa ilalim ng Office of the President, gayundin ang MMDA. Estonses, ang de facto governor ng Metro Manila ay ang Pangulo at ang kanyang council ay ang MMC.

Pero dahil sa batas na nasa taas, puwedeng hindi sundin ng anumang siyudad sa Metro Manila ang number coding scheme ng MMDA kung gusto nila. In fact, yun nga ang ginagawa ng Makati. Para nilang sinuway ang pangulo ng bansa.

Ganun din sa pagkumpiska sa lisensiya. Sa LTO Law, tanging LTO at deputized agencies lang ang puwede kumuha ng driver’s license. Pero sa Makati, again quoting the above law, ay kinukuha and lisensiya.

Sa madaling salita, napakadaming balakid sa mga effort na ayusin ang trapik mula pa lamang sa LGU, lalo na sa iba pang batas tulad ng prankisa ng bus at Jeep mula sa LTFRB, ang batas sa pagkontrol ng dami ng bus at Jeep sa lansangan (na halos wala) at ang sitwasyon ng rehistro ng kotse at drivers license.

Kailangan ng emergency powers on traffic dahil importanteng mapagsama-sama lahat ng isyung ito sa isang bubong at mabigyan ng complementing guidelines na magtutugma sa isang layunin, ang ayusin ang paggamit ng mga lansangan natin in the most efficient manner.

Pero kung iaasa natin sa kanya-kanyang diskarte ng batas at probisyon tulad ng gusto ni Senadora Grace Poe, hindi na siya politiko, problema pa din ito, at baka hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Luzon na.

So nasaan ang solusyon sa gusto mo mangyari Sen. Poe? Mas masaya ba ang Senate hearing kaysa Senate solving?

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending