Inigo: Mas OK na masakit ang goodbye para matuto tayo

By Alex Brosas September 12,2019
share this

Inigo: Mas OK na masakit ang goodbye para matuto tayo

By Alex Brosas September 12,2019
share this

POTENTIAL hit ang latest single ni Iñigo Pascual titled “Adios,” an upbeat track that he recorded with Singaporean hip-hop/R&B artist Akasha.

Since the song is about goodbye, he was asked kung paano niyang nagagawang less painful ang pagsasabi ng goodbye sa isang mahal niya sa buhay.

“I feel like there is no easy way to do it. I feel you’re supposed to get hurt with goodbyes sometimes and that’s how we learn from it and that’s how we pick up from our mistakes. Diyan tayo natututo.

“Sa tingin ko minsan mas okay na masakit ang goodbye para mas matuto tayo,” he said.

On Akasha na first time niyang naka-collaborate, sinabi ni Inigo na magaan katrabaho ang Singaporean singer.

“It was really easy working with each other. We met each other the day before the shoot so it was really quick. We didn’t get to have a proper introduction but we immediately clicked. She was very into nature. I was into nature also kaya parang nag-click kami agad. We’re just talking about music as well.

“I’ve been working, going back and forth to Singapore so working with the whole team is super fan. They’re supportive of my music and it’s such a blessing to have them around,” he added.

Ang “Adios,” na binuo sa ilalim ng Star Music, ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang masamang relasyon. Ibinibida ng kanta ang pamilyar na tunog-pop ni Inigo, na mas lalo pang pinaganda ng indayog ng pagra-rap ni Akasha.

“‘Adios’ is actually a single by Singaporean artist Zadon, it’s written in Mandarin tapos inisip namin kung paano mailo-localize sa Philippines so in-adapt ko yung lyrics and we added a new part then dinagdag namin si Akasha who is talent na dine-develop ng Academy of Rock Singapore at naging perfect match sila for this project,” paliwanag ni Star Music audio content head Jonathan Manalo.

q q q

Goodbye na ang show nina Jennlylyn Something and Gabby Something sa GMA 7.

Hindi pala nito kinaya ang powers ng The General’s Daughter ni Angel Locsin. Lait nga ang inabot ng show ni Jen sa social media.

“Ikaw ba naman itapat kay action/drama queen Angel Locsin eh certified magiging flop ka. Wawa naman Jennylyn. Bigyan nyo naman sya ng mas matinding show!”

“Kahit magpalit palit ng time slot wala syang malusutan, guwardyado. Sikat silang dalawa di ba? Si Gabby mula sa hit na Ika-6 na Utos.”

“Ito na nga sinasabi ko eh wag kase kayong mag expect sa simula palang talo na at hindi na yan nakakapagtaka.”

“Hala. Kung ayaw nyo mag close gawin nyo na lng 24/7 ang KMJS baka makahabol pa kayo sa ratings.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending