Enchong, Maymay, Marlo, Khalil bibida sa ika-20 anibersaryo ng Knowledge Channel
Bukod kina Maymay Entrata at Khalil Ramos, mapapanood pa rin si Enchong Dee sa bagong season ng “AgriCOOLture” na sisiyasatin naman ang malaking potensiyal ng agrikultura.
“Masaya kasi para kaming nagtatanim ng seeds sa kaalaman at utak ng mga bata na I’m sure dadalhin nila kapag napanood nila ‘yung show ni Maymay, show namin. We’re going to be part of their growing up years.
“At ang kagandahan kasi sa shows na binigay sa amin, hindi lang kami hosts. Natututo rin kami kasabay nung mga tinuturuan namin. ‘Yun ‘yung pinaka-jackpot doon,” ani Enchong.
Ang “Agricoolture” ng Knowledge Channel sa pakikipagtulungan ng Land Bank ay mapapanood na simula ngayong Oktubre, tuwing Biyernes at Sabado, 4:30 p.m. Layunin nitong turuan ang high school students kung paano pagkakakitaan ang ilang mga gawaing pang-agrikultural tulad ng hog raising at fish farming.
Sa season na ito, matututunan ni Enchong ang mangisda, ang tamang pangangalaga at tamang pag-ayos ng mga kagamitang pang-pangingisda, “water management,” pagpili at pangangalaga ng mga baboy, at tamang paraan ng pag-ani.
Handog din ng Knowledge Channel ang ang “Wikaharian,” (tuwing Lunes at Linggo, 11:30 a.m. at 2:30 p.m.), isang “animation show” na tumutulong sa mga bata para sa lalo pang pagpapalinang ng kanilang pagbabasa at pag-intindi ng mga leksyon sa paaralan.
Bibida naman dito si Ate Michelle Agas kasama ang mga puppets na sina Buboy, Billy, Chichay at Chiton—na nabubuhay sa totoo at misteryosong mundo, ang pagtuturo sa mga batang manonood ng tamang pagbabasa, pagsusulat, at tamang pagbigkas, gamit ang musika, pagsasayaw, paggawa ng mga litrato, “live action” na animations, malilikhaing mga laro, at iba pa.
Balik-telebisyon din si Marlo Mortel sa educational game show na “Knowledge on the Go!”. Dala-dala ang isang malaking “dice” at “backpack,” nililibot ni Marlo ang mga paaralan sa buong bansa upang i-test ang kaalaman ng mga nakakasalamuhang mag-aaral.
Tampok din sa KC ang “Art Smart,” (araw-araw) at “Kwentoons.”
Ang mga bagong programang ito ay napapanood online sa www.knowledgechannel.org, sa pamamagitan ng mga “portable na media libraries,” at on-air sa Knowledge Channel at iba’t iba pang platforms ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.