KASAMA ang eleganteng champion’s trophy (nasa bungad), humarap ang mga organizers ng 2019 World Pitmasters Cup sa media sa ginanap na press conference noong Biyernes sa Resorts World Manila. Ang international 9-cock derby ay magsisimula sa Setyembre 19 sa Resorts World Manila.
MAHIGIT 550 entry ang inaasahang lalahok sa 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby na mag-uumpisa sa Setyembre 19 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Ang ika-11 edisyon ng World Pitmasters Cup ay pinangungunahan ng mga “top guns” ng cockfighting sa bansa tulad nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, RJ Mea at Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza kasama ng iba pang mga malalaking pangalan sa larangan ng cockfighting industry.
Sa kauna-unahang pagkakataon din mula ng mag-umpisa ito noong 2017, ang WPC 9-Stag International Derby ay limang sunod na 2-stag elimination rounds ang idaraos sa Setyembre 19-23 (Sets A-E).
Matapos ang rest day sa Setyembre 24, ang One-Day P220,000 Pot Money 7-Stag Big Event ay susulong sa Setyembre 25.
Ang mga qualifiers ay muling magtatagisan ng galing sa 3-Stag semifinal rounds sa Setyembre 26 para sa Set A, Setyembre 27 para sa Set B, Setyembre 28 para sa Set C, Setyembre 29 para sa Set D and Setyembre 30 para sa Set E.
Magkakaroon muli ng “tigil-putukan” sa Octubre 1 bago ang 4-Stag Pre-Final round sa Octubre 2 para sa mga kalahok na may 3.0, 3.5 at 4.0 puntos.
Ang mga grand finalists, na may pinagsamang iskor na 4.5 at 5.0 puntos ay maghaharap sa championship round sa Biyernes, Oktubre 4.
Ang pot money ay P88,000 habang ang minimum bet ay P55,000.
Tinatayang aabot ang prize money sa P44 milyon.
Ang international derby weight limits ay nakatakda mula 1.7 hanggang 2.2 kilograms.
Tanging mga stags na banded ng mga local associations na nakaanib sa FIGBA at PFGB-Digmaan ang tatanggapin.
Ang mga Hennies at Early-Bird (BNTV, A-CUP, FIGBA EARLY BIRD, etc.) banded stags ay hindi papayagan.
Inanunsyo rin ng mga promoters ng WPC mula Hulyo-Agosto 2020, ang first World Pitmasters Cup 9-Stag Early Bird Edition ay itataguyod na gamit ang mga international derby format.
Ang mga tatanggaping bands ay mula A-CUP, BNTV, LBC, LYR, B-CUP, FIGBA EARLY BIRD, PFGB DIGMAAN EARLY BIRD.
Ang September 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby ay itinataguyod din ng Resorts World Manila sa pakikipagtulungan ng Thunderbird, THOR MP Wash, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors at Experto Gamefowl Products.
Ang nasabing cockfighting event ay may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).
Sa iba pang mga katanungan at cockhouse reservations, maaaring bisitahin ang World Pitmasters Cup Internaational Derby Facebook page o tumawag sa cellphone number 0927-841-9979.